9

1 At pinagpala ng Diyos si Noe at ang kaniyang mga anak na lalaki. Sinabi niya sa kanila, "Nais kong magkaroon kayo ng maraming mga anak na maninirahan sa buong mundo. 2 Sobrang matatakot ang lahat ng malalaking hayop sa mundo, lahat ng mga ibon, lahat ng mga nilalang na gumagalaw sa lupa, at lahat ng isda sa ninyo. Inilagay ko ang mga ito sa ilalim ng iyong kapangyarihan. 3 Dati hinayaan kong luntiang halaman ang inyong pagkain, subalit ngayon maaari na ninyong kainin ang lahat ng mga bagay na may buhay at gumagalaw. 4 Subalit huwag ninyong kainin ang karneng mayroon pang dugo, sapagkat nasa dugo ang buhay nito. 5 Parurusahan ko ang sinumang pumatay ng tao—mananagot sila kay Yahweh—mapa hayop man ito o mapa mula sa tao. Hihingin ko na dapat maghirap ang mga mamatay-tao para sa kanilang mga kasalanan at pagbayaran ito kapalit ng kanilang mga buhay. Kahit pa na hayop ang pumatay ng tao, buhay rin ang kapalit sapagkat buhay ng tao ang kinuha nito. 6 Sapagkat nilalang ko ang tao ayon sa aking wangis. Kaya iginigiit ko na kung sinumang pumatay ng kapwa niya tao, ibang tao din ang papatay sa kanya. Sinumang magpapadanak ng dugo ng ibang tao, dugo rin niya ang kabayaran nito. 7 At sa 'yo, nais kong magkaroon kayo ng maraming anak, upang sila at ang kanilang mga kaapu-apuhan, maninirahan sa buong mundo." 8 Sinabi ni Yahweh kay Noe at sa kanyang mga anak, 9 "Makinig kayong mabuti. Gagawa ako ng kasunduan sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan, 10 at sa lahat ng nilalang, na may buhay—kasama ang mga ibon, mga maamo at maiilap na mga hayop—bawat nabubuhay na hayop na nilalang sa mundo na kasama ninyong lumabas ng malaking bangka. 11 Ito ang gagawin kong kasunduan sa inyo, hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng nilalang sa pamamagitan ng baha, o lilipulin ang lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan ng baha". 12 Pagkatapos sinabi ng Diyos sa kanya, "Ito ang palatandaan na papanatilihin ko ang kasunduan na gagawin ko sa ninyo at sa lahat ng mga nabubuhay na nilalang, isang kasunduan na papanatilihin ko magpakailanman. 13 Sa pana-panahon, maglalagay ako ang bahaghari sa kalangitan. Magiging palatandaan ito ng aking kasunduan sa inyo at sa lahat ng bagay sa mundo. 14 Kapag papaulanin ko ang mga ulap at lumitaw ang bahaghari sa kalangitan, 15 ipapaalala nito sa akin ang tungkol sa ginawa kong kasunduan sa inyo at sa lahat ng mga nilalang, ang aking pangako na hindi na kailanman magkakaroon ng baha na lilipol sa lahat ng mga nabubuhay na nilalang. 16 Sa tuwing may bahaghari sa kalangitan, makikita ko ito at aking alalahanin ang tungkol sa kasunduan na ginawa ko sa lahat ng nilalang na nasa mundo, isang pangako na aking tutuparin magpakailanman." 17 Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Noe, "Ang bahaghari ang magiging palatandaan ng kasunduang ginawa ko sa lahat ng mga nilalang sa mundo." 18 Ang mga anak ni Noe na lumabas sa malaking bangka ay sina Sem, Ham, at Jafet. Kinalaunan naging ama si Ham ni Canaan. 19 Ang lahat ng tao sa mundo ay mula sa tatlong mga anak na lalaki ni Noe. 20 Nagsimulang magsaka si Noe sa lupain. Nagtanim siya ng mga ubas. 21 Matapos mamunga ang mga ubas, gumawa siya ng alak mula sa mga ito. Isang araw, nang nakainom siya ng sobrang alak, nalasing siya at humiga na walang saplot sa katawan sa loob kanyang tolda. 22 Si Ham na ama ni Canaan, nakita niyang nakahigang hubad ang kanyang ama sa loob tolda. Kaya lumabas siya at sinabi sa kanyang dalawang nakakatandang kapatid kung ano ang kanyang nakita. 23 Pagkatapos kumuha si Sem at Jafet ng malaking tela at nilagay sa kanilang likuran at pumasok ng patalikod sa tolda. Tinakpan nila ang hubad na katawan ng kanilang ama. Hindi sila humarap sa kanilang ama, kaya hindi nila siya nakitang hubad. 24 Nang nagising si Noe at nahimasmasan, nalaman niya kung gaano kasama ang inasal ni Ham na kanyang bunsong anak na lalaki, sa kanya. 25 Sinabi niya, "Sinusumpa ko ang anak ni Ham na si Canaan at ang kanyang mga kaapu-apuhan. Sila ay magiging alipin ng kanilang mga tiyuhin. 26 Pinupuri ko si Yahweh na sinasamba ni Shem. Nawa'y maging alipin ang mga kaapu-apuhan ni Canaan ng mga kaapu-apuhan ni Shem. 27 Subalit palawakin nawa ng Diyos ang lupain ni Jafet. Nawa'y pahintulutan niya na mamuhay ang mga kaapu-apuhan ni Jafet ng mapayapa kasama ng mga kaapu-apuhan ni Sem. Nawa'y maging alipin nila ang mga kaapu-apuhan ni Canaan." 28 Nabuhay pa ng 350 na taon si Noe matapos ang baha. 29 Namatay siya sa edad na 950 na taon.