10

1 Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe. Shem, Ham, Jafet. Sila ay naging mga ama ng maraming mga anak matapos ang baha. 2 Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. 3 Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat at Togarma. 4 Ang mga anak na lalaki ni Javan naman ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim. 5 Nanirahan ang mga anak na lalaki at kanilang mga pamilya na nagmula kay Javan sa mga pulo at sa baybay-dagat. Naging mga lahi ang kanilang mga kaapu-apuhan, ang bawat isa sa kanila ay may sariling wika, mga angkan, at teritoryo. 6 Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Ehipto, Put at Canaan. 7 Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raamah ay sina Sheba at Didan. 8 Isa sa mga anak na lalaki ni Cus ay si Nimrod. Si Nimrod ang kauna-unahang manlulupig sa mundo. 9 Nakita ni Yahweh na naging mahusay siya na mangangaso. Kaya sinasabi ng mga tao sa isang mahusay na mangangaso, "Nakita ni Yahweh na mahusay ka na mangangaso kagaya ni Nimrod" 10 Naging hari si Nimrod na siyang namuno sa lupain ng Babilonia. Babel, Erec, Acad at Calne ang mga unang lungsod na kanyang pinamunuan. 11 Mula doon pumunta siya kasama ang ibang tao sa Asiria at tinatag ang mga lungsod ng Nineve, Rehoboth Ir, Cale, 12 at Resen. Malaking lungsod ang Resen na nasa pagitan ng Nineve at Cale. 13 Ang anak ni Ham na lalaki na si Ehipto ay naging ninuno ni Lud, Anam, Lehab, at Naptu, 14 Patrus, Caslu at Captor na mga lahi. Ang mga taong Filisteo, nagmula kay Caslu. 15 Ang bunsong anak na lalaki ni Ham na si Canaan ay naging ama ni Sidon na siyang panganay na anak na lalaki at si Heth naman ang nakababatang anak na lalaki. 16 Si Canaan din ang ninuno ng mga Jebuseo, Amoreo, Gergaseo 17 Hivita, Araceo, Sineo, 18 Arvadeo, Zemareo at Hamateo na mga lahi. Mula noon kumalat ang mga kaapu-apuhan ni Canaan. 19 Umabot ang kanilang lupain mula sa lungsod ng Sidon, hilaga hanggang sa timog na nasa Gaza, malapit sa Gegar, at pasilangan sa Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim na bayan na hanggang sa bayan ng Lasa. 20 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Ham. Sila ay naging mga lahi na mayroong sariling mga angkan, sariling mga wika at sariling mga lupain. 21 Si Sem ang nakatatandang kapatid ni Jafet na mayroon ding mga anak na lalaki at naging ninuno ng lahat ng kaapu-apuhan ni Eber. 22 Ang mga anak na lalaki ni Sem ay sila Elam, Asshur, Arfaxad, Lud, at Aram. 23 Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether at Meshech. 24 Si Arfaxad ang naging ama ni Shela, at si Shela ang naging ama ni Eber. 25 May dalawang anak na lalaki si Eber. Ang isa sa kanila ay si Peleg na ang ibig sabihin ay "pagkakahati-hati" dahil sa panahon ng kanyang pamumuhay, nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang mga sa iba’t ibang lugar sa mundo. Ang nakababatang kapatid na lalaki ni Peleg ay si Joctan. 26 Si Joctan ang naging ama nina Almodad, Sheleph, Hazarmaveth, Jerah, 27 Hadoram, Uzal, Diklah, 28 Obal, Abimael, Sheba, 29 Ofir, Havila, at Jobab. Silang lahat ay anak ni Joctan. 30 Ang mga lugar kung saan nagsimulang manirahan ang mga angkan ay umabot mula sa Mesha hanggang sa Sephar, na nasa burol ng Silangan. 31 Sila ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Sem. Naging lahi sila na mayroong sariling mga angkan, sariling mga wika at sariling lupain. 32 Nagmula ang lahat ng mga angkan na ito sa mga anak na lalaki ni Noe. May sariling talaan ng lahi ang bawat angkan at nagkaroon ng kanya-kanyang lahi. Nabuo at kumalat ang mga lahi na ito pagkatapos ng baha.