11

1 Sa panahong ito, nagsasalita ang lahat ng tao sa mundo sa parehong wika. 2 Sa paglipat ng mga tao sa silangan, nakarating sila sa isang kapatagan, sa rehiyon ng Babylon, at nagsimulang manirahan doon. 3 Pakatapos sinabi nila sa isa't isa, "Gumawa tayo ng mga laryo at lutuin ang mga ito para tumibay, para sa pagtatayo ng isang gusali!" Kaya ginamit nila ang mga laryo sa halip na mga bato at mga alkitran sa halip na almires para pakapitin ang mga ito." 4 Sinabi nila,"Magtayo tayo ng lungsod para sa ating mga sarili! Dapat gumawa rin tayo ng isang napakataas na tore na aabot hanggang langit! Sa ganoong paraan, malalaman ng mga tao kung sino tayo! Kung hindi natin ito gagawin, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo!" 5 Isang araw bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang itinatayongtore ng mga tao." 6 Sinabi ni Yahweh, "Ang mga taong ito ay isang grupo lamang at nagsasalita sila ng iisang wika. Kung nasimulan na nilang gawin ito, wala nang anuman sa napagpasyahan nilang gawin ang imposible para sa kanila! 7 Kaya bumaba tayo roon at pag-iba-ibahin natin ang wika ng mga tao nang hindi na nila maintindihan ang sinasabi ng bawat isa." 8 Sa paggawa nito, ikinalat sila ni Yahweh sa buong mundo, at itinigil ng mga tao ang pagpapatayo ng lungsod. 9 Tinawag ang lungsod na Babel, dahil doon idinulot ni Yahweh na hindi na magsalita ng isang wika ang lahat ng mga tao sa buong mundo. At idinulot ni Yahweh namagkalat sila sa buong mundo mula sa lugar naiyon. 10 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem. Dalawang taon pagkalipas ng baha, nang si Sem ay mahigit isangdaan taong gulang na, siya ay naging ama ni Arfaxad. 11 Pagkapanganak kay Arfaxad, nabuhay pa si Sem ng limandaan taon at naging ama ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 12 Nang tatlumpu't limang taong gulang na si Arfaxad, siya ay naging ama ni Shela. 13 Pagkapanganak kay Selah, nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae. 14 Nang tatlumpung taong gulang na si Selah, siya ay naging ama ni Eber. 15 Pagkapanganak kay Eber, nabuhay pa si Selah ng 403 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae. 16 Nang tatlumpu't apat na taong gulang na si Eber, siya ay naging ama ni Peleg. 17 Pagkapanganak kay Peleg, Nabuhay pa si Eber ng 430 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae. 18 Nang tatlumpung taong gulang na si Peleg, siya ay naging ama ni Reu. 19 Pagkapanganak kay Reu, nabuhay pa si Peleg ng 209 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae. 20 Nang tatlumpu't dalawang taong gulang na si Reu, siya ay naging ama ni Serug. 21 Pagkalipas na ipinanganak si Serug, nabuhay si Reu ng 207 taon pa at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae. 22 Nang tatlumpung taong gulang na si Serug, siya ay naging ama ni Nahor. 23 Pagkapanganak si Nahor, nabuhay pa si Serug ng dalawandaang taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae. 24 Nang dalawampu't siyam na taong gulang na si si Nahor, siya ay naging ama ni Terah. 25 Pagkapanganak si Terah, nabuhay pa si Nahor ng 119 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae. 26 Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran. 27 Ito ang nangyari tungkol sa mga kaapu-apuhan ni Terah: Ang mga lalaking anak ni Terah ay sina Abram, Nahor, at Haran. Ang lalaking anak ni Haran ay pinangalanang Lot. 28 Nasa piling pa ni Haran ang kaniyang ama nang mamatay si Haran sa lungsod ng Ur, sa lupain ng mga Caldeo. Ito ang kaniyang lupang sinilangan. 29 Si Abram at Nahor ay kapwa nag-asawa. Pinangalanang Sarai ang asawa ni Abram, at pinangalanang Milcah ang asawa ni Nahor. Si Milcah at ang kaniyang kapatid na babaeng si Iscah ay mga anak na babae ni Haran. 30 Hindi magawang magkaanak ni Sarai. 31 Nagpasya si Terah na lisanin ang Ur at mamuhay sa lupain ng Canaan. Kaya sinama niya ang kaniyang anak na lalaki na si Abram at apong lalaking si Lot na anak ni Haran, at si Sarai na asawa ni Abram. Pero sa halip na pumunta ng Canaan, tumigil sila sa bayan ng Haran at nanirahan doon. 32 Nang 205 taong gulang si Terah, namatay siya sa Haran.