5

1 Ito ang listahan ng mga nagmula kay Adan. Nang nilikha ng Diyos ang mga tao, ginawa niya itong katulad niya sa maraming kaparaanan. 2 Nilikha niya sila na isang lalaki at isang babae. Pinagpala niya sila, at sa araw na iyon ng kanyang paglikha sa kanila. tinawag niya silang 'sangkatauhan'. 3 Nang 130 taong gulang na si Adan, naging ama siya ng isang lalaki na kawangis niya. Siya ang anak na lalaki na pinangalan niyang Set. 4 Matapos na ipinanganak si Set, nabuhay pa ng karagdagang walong daang taon si Adan, at sa loob ng mga taong iyon, naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 5 Nabuhay ng kabuuang 930 taon si Adan, at siya ay namatay. 6 Nang 105 taong gulang na si Set, naging ama siya ni Enos. 7 Matapos ipinanganak si Enos, nabuhay pa ng karagdagang 807 taon si Set, at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 8 Nabuhay ng kabuuang 912 taon si Set, at siya ay namatay. 9 Nang siyamnapung taong gulang si Enos, naging ama siya ni Kenan. 10 Matapos na ipinanganak si Kenan, nabuhay pa ng karagdagang 815 taon si Enos at naging ama ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 11 Nabuhay ng kabuuang 905 taon si Enos, at siya ay namatay. 12 Nang pitumpung taong gulang si Kenan, naging ama siya ni Mahalalel. 13 Matapos na ipinanganak si Mahalalel, nabuhay pa ng karagdagang 840 taon si Kenan at naging ama pa ng iba pang mga anak lalaki at babae. 14 Nabuhay ng kabuuang 910 taon si Kenan, at siya ay namatay. 15 Nang animnapu't limang taong gulang si Mahalalel, naging ama siya ni Jared. 16 Matapos na ipinanganak si Jared, nabuhay pa ng karagdagang 830 taon si Mahalel at naging ama ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 17 Nabuhay ng kabuuang 895 taon si Mahalalel, at siya ay namatay. 18 Nang 162 taong gulang si Jared, naging ama siya ni Enoc. 19 Nabuhay pa ng walong daang taon si Jared matapos na ipinanganak si Enoc, at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 20 Nabuhay ng kabuuang 962 taon si Jared, at siya ay namatay. 21 Nang animnapu't limang taon si Enoc, naging ama siya ni Metusalem. 22 Nabuhay na may malapit na pagsasama si Enoc sa Diyos sa loob ng tatlong daang taon matapos na ipinanganak si Metusalem, at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 23 Nabuhay ng 365 taon si Enoc. 24 Mayroon siyang malapit na pagsasama sa Diyos, at isang araw bigla siyang nawala, dahil kinuha siya ng Diyos upang makasama niya. 25 Nang 187 taong gulang si Metusalem, naging ama siya ni Lamec. 26 Nabuhay si Metusalem ng 782 taon matapos na ipinanganak si Lamec, at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 27 Nabuhay ng kabuuang 969 taon si Metusalem, at siya ay namatay. 28 Nang 182 taong gulang si Lamec, naging ama siya ng isang anak na lalaki, 29 na pinangalanan niyang Noe, dahil, sinabi niya, "Magbibigay siya sa atin ng kaginhawaan sa lahat ng mahirap na trabaho na ating ginagawa upang magkaroon ng pagkain na mula sa lupa na isinumpa ni Yahweh." 30 Nabuhay ng 595 taon si Lamec matapos ipinanganak si Noe at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 31 Nabuhay ng 777 taon si Lamec, at siya ay namatay. 32 Nang limang daang taon si Noe, naging ama siya ng mga lalaki na pinangalanan niyang Sem, Ham at Jafet.