1 John 4 — Wikang Tagalog

1 Minamahal, huwag maniwala sa bawat espiritu. Sa halip, suriin ang mga espiritu upang makita kung sila ay sa Diyos, sapagkat maraming mga bulaang propeta ang nagsilabasan sa mundo. 2 Sa paraang ito malalaman ninyo ang Espiritu ng Diyos ang bawat espiritu na kinikilala si Jesu-Cristo ay naparito sa laman ay mula sa Diyos, 3 at bawat espiritu na hindi nagtatapat kay Jesus ay hindi sa Diyos. Ito ang espiritu ng antikristo, na inyong narinig na darating, at ngayon ay nasa mundo na. 4 Kayo ay sa Diyos, mga anak, at napagtagumpayan sila, dahil ang siyang sumasainyo ay mas dakila kaysa siyang nasa mundo. 5 Sila ay mula sa mundo; kaya't ang sinasabi nila ay mula sa mundo, at ang mundo ay nakikinig sa kanila. 6 Tayo ay mula sa Diyos. Sinuman ang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa atin. Sinumang hindi nasa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin ang espiritu ng katotohan at ang espiritu ng kamalian. 7 Minamahal, ibigin natin ang isa't isa, dahil ang pag-ibig ay mula sa Diyos, at ang lahat nang umiibig ay ipinanganak mula sa Diyos at nakakakilala sa Diyos. 8 Ang taong hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, dahil ang Diyos ay pag-ibig. 9 Dahil dito nahayag ang pag-ibig ng Diyos sa atin, na ipinadala ng Diyos ang kanyang bugtong na anak sa mundo upang tayo ay mabuhay dahil sa kaniya. 10 Sa ganitong pag-ibig, hindi dahil minahal natin ang Diyos, ngunit minahal niya tayo, at ipinadala niya ang kanyang Anak na maging kabayaran ng ating mga kasalanan. 11 Minamahal, kung tayo'y lubos na inibig ng Diyos, nararapat din nating ibigin ang bawat isa. 12 Wala pang nakakita sa Diyos. Kung iniibig natin ang bawat isa, ang Diyos ay mananatili sa atin, at ang pag-ibig niya ay nagiging sakdal sa atin. 13 Sa pamamagitan nito nalalaman natin na tayo ay nananatili sa kanya at siya sa atin, dahil binigyan niya ng ilan sa kanyang Espiritu. 14 Gayundin, nakita natin at nasaksihan na ipinadala ng Ama ang kanyang anak upang maging tagapagligtas ng mundo. 15 Ang sinumang nagtatapat na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanya at siya sa Diyos. 16 Gayundin, alam natin at pinaniwalaan ang pag-ibig na mayroon ang Diyos na nasa sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig, at siyang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. 17 Dahil dito, ang pag-ibig ay pinasakdal sa gitna natin, upang tayo ay magkaroon ng kasiguraduhan sa araw ng paghuhukom, dahil gaya niya, gayon din tayo sa mundong ito. 18 Sa halip, ang perpektong pag-ibig ay nag-aalis ng takot, dahil ang takot ay may kinalaman sa kaparusahan. Ngunit ang natatakot ay hindi pinasakdal sa pag-ibig. 19 Umibig tayo dahil inibig muna tayo ng Diyos. 20 Kung sinuman ang nagsasabing, "Inibig ko ang Diyos" pero kinapopootan ang kanyang kapatid, siya ay isang sinungaling. Sapagkat ang sinumang hindi umiibig sa kanyang kapatid, na kanyang nakikita, ay hindi umiibig sa Diyos, na hindi niya nakikita. 21 Gayundin, ito ang kautusan na mayroon tayo mula sa kanya: Kung sinumang umiibig sa Diyos ay dapat ding ibigin ang kanyang kapatid.