1 John 5 — Wikang Tagalog
1
Kung sinuman ang naniniwala na si Jesus ay ang Cristo ay ipinanganak mula sa Diyos, at at ang sinumang umiibig sa isang ama ay umiibig din sa anak na ipinanganak mula sa kanya.
2
Sa ganito natin malalaman na iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kapag iniibig natin ang Diyos at ginagawa ang kanyang mga kautusan.
3
Sapagkat ito ang pag-ibig para sa Diyos: nananatili tayo sa kanyang mga kautusan. At ang kanyang mga kautusan ay hindi pasanin.
4
Ang lahat ng ipinanganak mula sa Diyos ay mapagtatagumpayan ang mundo. At ito ang tagumpay na napagtagumpayan ng mundo, maging ang ating pananampalataya.
5
Sino ang nanaig sa mundo? Siya na naniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos.
6
Ito ang naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo: Jesu-Cristo. Siya ay dumating hindi lamang sa pamamagitan ng tubig, kung hindi sa pamamagitan ng tubig at dugo.
7
Sapagkat mayroong tatlo na siyang nagpapatunay:
8
ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakasundo.
9
Kung tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ang patotoo ng Diyos ay mas dakila. Sapagkat ang patotoo ng Diyos ay ito, na siya ay nagdala ng patunay patungkol sa kanyang Anak.
10
Sinumang naniniwala sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang sarili. Sinumang hindi naniniwala sa Diyos ay ginawa siyang sinungaling, dahil hindi siya naniwala sa patotoo na ibinigay ng Diyos patungkol sa kanyang Anak.
11
At ang patotoo ay ito: Binigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak.
12
Siyang nasa kaniya ang Anak ay may buhay. Siyang wala sa kaniya ang Anak ng Diyos ay walang buhay.
13
Isinulat ko ng mga bagay na ito para malaman ninyong mayroon kayong buhay na walang hanggan-sa inyong naniniwala sa pangalan ng Anak ng Diyos.
14
Gayundin, ito ang pananalig na mayroon tayo sa harap niya, na kung anuman ang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban, pakikinggan niya tayo.
15
Gayundin, kung alam nating dinirinig niya tayo-- anumang hilingin natin sa kanya-- alam nating mayroon na tayo ng anumang hiniling natin sa kanya.
16
Kung sinumang nakakakita sa kanyang kapatid na gumagawa ng kasalanang hindi humahantong sa kamatayan, kailangan niyang manalangin, at bibigyan siya ng Diyos ng buhay. Tinutukoy ko yaong ang kasalanan ay hindi nagbubunga sa kamatayan. Mayroong kasalanang nagbubunga sa kamatayan; hindi ko sinasabing kailangan niyang ipanalangin ang tungkol doon.
17
Lahat ng hindi matuwid ay kasalanan, ngunit may kasalanang hindi nagbubunga sa kamatayan.
18
Alam nating sinumang ipinanganak mula sa Diyos ay hindi nagkakasala. Ngunit siya na ipinanganak sa Diyos ay iniingatan niya, at ang kasamaan ay hindi siya mapipinsala.
19
Alam nating tayo ay mula sa Diyos, at alam nating ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasamaan.
21
20
Ngunit alam nating ang Anak ng Diyos ay dumating at binigyan tayo ng kaunawaan upang makilala natin siya na siyang tunay. Gayundin, tayo ay nasa kaniya na siyang katotohanan, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan. Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.