1 Corinthians 7 — Wikang Tagalog
1
Ngayon tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo: Mas mabuti sa isang lalaki na huwag humawak ng babae.
2
Ngunit dahil sa mga tukso ng mga mahalay na gawain, bawat lalaki ay dapat magkaroon ng kaniyang sariling asawang babae, at ang bawat babae ay dapat magkaroon ng kaniyang sariling asawang lalake.
3
Dapat ibigay ng asawang lalaki sa kaniyang asawang babae ang mga karapatang sekswal at ganoon din ang asawang babae sa kaniyang asawang lalake.
4
Hindi ang babae ang may kapamahalaan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang kaniyang asawang lalake. Gayundin, hindi rin ang asawang lalake ang may kapamahalaan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang kaniyang asawang babae.
5
Huwag ipagkait sa isa't- isa , maliban sa napagkasunduan at sa isang tiyak na takdang panahon. Gawin ninyo ito upang maitalaga ang inyong mga sarili sa pananalangin. Pagkatapos magsama kayong muli upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa kawalang pagtitimpi.
6
Ngunit sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito bilang pagsusumamo at hindi bilang isang utos.
7
Nais ko sanang ang bawat isa ay katulad ko. Ngunit may kaloob ang bawat isa na galing sa Diyos. Ang isa ay may ganitong uri ng kaloob at ang isa ay ganiyang uri.
8
Sa mga hindi pa nag-aasawa at sa mga babaeng balo sinasabi ko na mas mabuti pa sa kanila na manatiling walang asawa, gaya ko.
9
Ngunit kung hindi nila kayang pigilan ang kanilang mga sarili, sila ay mag- asawa. Dahil mas mabuti na sila ay mag-asawa kaysa mag-alab sa pagnanasa.
10
Ngayon sa mga may asawa ibinibigay ko ang utos na ito--hindi ako, kundi ang Panginoon-- ang asawang babae ay hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawang lalake
11
(ngunit kung siya ay hihiwalay sa kaniyang asawang lalake, dapat na manatili siyang walang asawa o kaya ay makipagkasundo sa kaniyang asawang lalake), at ang asawang lalake ay hindi dapat hiwalayan ang kaniyang asawang babae.
12
Ngunit sa iba ay sinasabi ko--ako, at hindi ang Panginoon--na kung may kapatid na lalake na may asawang hindi mananampalataya, at kung ang babae ay kuntento naman sa pakikisama sa kaniya, hindi niya ito dapat hiwalayan.
13
Kung ang babae ay may asawang hindi mananampalataya, at kung ang lalake ay kuntento naman sa pakikisama sa kaniya, huwag niya itong hiwalayan.
14
Sapagkat ang asawang lalake na hindi mananampalataya ay naibukod na dahil sa kaniyang mananampalatayang asawa, at ang babaeng hindi mananampalataya ay naibukod na rin dahil sa kaniyang asawang mananampalataya. Kung hindi, ang inyong mga anak ay magiging marumi, ngunit sa katotohanan sila ay naibukod na.
15
Ngunit kung ang hindi Kristiyanong asawa ay humiwalay, hayaan siyang umalis. Sa ganyang mga kalagayan, ang kapatid na lalake at babae ay hindi nakatali sa kanilang mga panata. Tinawag tayo ng Diyos na mamuhay nang payapa.
16
Sapagkat paano mo malalaman, babae, kung maililigtas mo ang iyong asawang lalake? O paano mo nalalama, lalake, kung maliligtas mo ang iyong asawang babae?
17
Hayaan lamang na ang bawat isa ay mamuhay ayon sa itinalaga ng Panginoon sa kanila, gaya ng pagkatawag ng Diyos sa bawat isa. Ito ang aking panuntunan sa lahat ng iglesia.
18
Mayroon bang tinuli noong tinawag siya upang manampalataya? hindi niya dapat subukang magmukhang hindi tuli. Mayroon bang hindi natuli ng siya ay tawagin sa pananampalataya? Hindi siya dapat magpatuli.
19
Sapagkat hindi ang pagtutuli o di-pagkatuli ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang pagsunod sa mga kautusan ng Diyos.
20
Ang bawat isa ay dapat manatili sa kaniyang pagkakatawag noong tinawag siya ng Diyos upang sumampalataya.
21
Kayo ba ay alipin ng tinawag ng Diyos? Huwag alalahanin ang tungkol dito. Ngunit kung kayo ay maaaring maging malaya, samatalahin ito.
22
Sapagkat sinumang tinawag ng Panginoon bilang isang alipin ay malayang tao ng Panginoon. Gayundin, siyang malaya ng tinawag ng Panginoon upang sumampalataya ay alipin ni Cristo.
23
Kayo ay binili ng may halaga kaya huwag na kayong magpaalipin sa mga tao.
24
Mga kapatid, anumang buhay ng bawat isa sa atin nang tayo ay tinawag upang sumampalataya ay manatili tayong ganun.
25
Ngayon tungkol sa mga hindi nag-aasawa, ako ay walang kautusan galing sa Panginoon. Ngunit ako ay may iminumungkahi sa inyo bilang mapagkatiwalaan ng dahil sa awa ng Panginoon.
26
Samakatwid, naisip ko na dahil sa parating na sakuna, mas mabuti sa isang lalaki na manatili sa kaniyang kalagayan.
27
Kasal ka na ba sa asawang babae? Huwag humingi ng diborsyo. Ikaw ba ay hindi pa kasal, Huwag maghanap ng mapapangasawang babae.
28
Nguni't kung ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala, at kung ang isang babaeng wala pang asawa ay ikinasal, hindi siya nagkakasala. Ngunit silang mga ikinasal ay magkakaroon ng maraming uri ng makamundong paghihirap, at nais ko kayong mailigtas mula dito.
29
Ngunit ito ang aking sinasabi mga kapatid : Maikli lang ang oras. Mula ngayon, ang sinumang may asawang babae ay mamuhay na parang wala.
30
Ang mga tumatangis ay dapat kumilos na parang hindi tumatangis, at ang mga nagsasaya na parang hindi nagsasaya, at ang mga namimili na parang walang pag-aari,
31
at ang mga gumagamit sa mundo ay hindi dapat kumilos na parang ginagamit nila ito ng buo. Sapagkat ang mundo sa kalasalukuyan nitong anyo ay darating sa pagwawakas.
32
Gusto ko na kayo ay maging malaya sa mga alalahanin. Ang mga lalaking walang asawa ay alalahanin ang mga tungkol sa Panginoon, kung paano Siya paluguran.
33
Ngunit ang may asawang lalaki ay inaalala ang mga bagay ng mundo, kung paano mapasaya ang kaniyang asawa--
34
siya ay hati. Ang isang babaeng wala pang asawa o ang birhen ay inaalala ang mga tungkol sa Panginoon, kung paano niya italaga ang katawan at espiritu. Ngunit ang babaeng may asawa ay inaalala ang mga bagay sa mundong ito, kung paano mapasaya ang kaniyang asawa.
35
Sinasabi ko ito para sa inyong sariling pakinabang, at hindi upang pigilan kayo. Sinasabi ko ito para sa kung ano ang tama, upang kayo ay maging masigasig sa Panginoon nang walang anumang abala.
36
Ngunit kung iniisip ng sinuman na hindi niya napakikitunguhan nang may paggalang ang kaniyang babaeng katipan, kung ito ay lampas na sa edad ng pag-aasawa at dapat nga-- gawin niya ang gusto niya. Hindi siya nagkakasala. Dapat silang magpakasal.
37
Ngunit kung siya ay desidido sa kaniyang puso, kung hindi siya napipilitan ngunit kaya niyang pigilan ang kaniyang nararamdaman, at kung nakapagpasiya siya sa kanyang sariling puso na gawin ito, na panatilihing birhen ang kanyang babaeng katipan, gagawa siya mabuti.
38
Kaya ang nagpakasal sa kaniyang babaeng katipan ay mabuti, at siyang mas pinili na hindi mag-asawa ay mas lalong mahusay.
39
Ang isang babae ay nakatali sa kaniyang asawa habang ito ay nabubuhay. Ngunit kung ang asawang lalaki ay mamatay, malaya siyang makapag-asawa ng sinumang naisin niya, ngunit sa Panginoon lamang.
40
Ngunit sa aking paghuhusga mas magiging masaya siya kung mananatili siya bilang siya. At iniisip ko na nasa akin din ang Espiritu ng Diyos.