1 Ngayon tungkol sa pagkain na inialay sa mga diyus-diyosan: Alam natin na "tayong lahat ay may kaalaman". Ang kaalaman ay nakapagpapalalo ngunit ang pag-ibig ang nagpapatibay. 2 Kung sinuman ang nag-iisip na mayroon siyang alam, hindi pa alam ng taong iyon ang dapat niyang malaman. 3 Ngunit sinuman ang umiibig sa Diyos, nakikilala niya ang taong iyon. 4 Kaya tungkol sa pagkain na inihain sa mga diyus-diyosan: Alam natin na "ang diyus-diyosan sa mundong ito ay walang kabuluhan" at "walang Diyos kundi iisa." 5 Sapagkat kahit na mayroong tinatawag na mga diyus-diyosan, sa langit man o sa lupa, [gaya ng maraming mga "diyos" at mga panginoon", 6 "ngunit para sa sa atin ay mayroong iisang Diyos, ang Ama, na mula sa kaniya ang lahat ng mga bagay at siyang dahilan kaya tayo ay nabubuhay, at may isang Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay ay umiiral at na sa pamamagitan niya tayo ay umiiral." 7 Gayunman, ang kaalamang ito ay wala sa bawat isa. Sa halip, ang iba ay dati nang nagsagawag ng pagsamba sa mga diyus-diyosan, at kinakain nila ang pagkaing ito na tila isang bagay na inialay sa diyus-diyosan. Ang kanilang budhi ay nasira dahil ito ay mahina. 8 Ngunit hindi pagkain ang maghaharap sa atin sa Diyos. Hindi tayo malala kung hindi tayo kakain, ni mas mabuti kung tayo ay kakain. 9 Ngunit pag-ingatan na ang inyong kalayaan ay hindi maging sanhi ng pagkatisod ng isang taong mahina ang pananampalataya. 10 Sapagkat ipagpapalagay na may nakakakita sa inyo, na may kaalaman, na kumakain kayo ng pagkain sa templo ng diyus-diyosan. Hindi bang ang kaniyang mahinang budhi ay mapapalakas na kainin ang kung anong inialay sa mga diyus-diyosan? 11 Kaya dahil sa inyong pang-unawa tungkol sa totoong kalikasan ng mga diyus-diyosan, ang mga mahihina, ang kapatid na siyang dahilan kung bakit namatay si Cristo, ay napuksa. 12 Kaya, kung kayo ay nagkasala sa inyong mga kapatid at nasugatan ang kanilang mga mahihinang budhi, kayo ay nagkasala kay Cristo. 13 Kaya nga, kung pagkain ang magiging sanhi na matisod ang aking mga kapatid, hindi na ako kailanman kakain ng karne upang hindi ako maging sanhi ng pagbagsak ng aking mga kapatid.