1 Corinthians 5— Wikang Tagalog
1
Narinig namin ang ulat na may nangyayaring sekswal na imoralidad sa inyo, ang uri ng imoralidad na hindi pinahihintulutan kahit sa mga Gentil: nasa isang lalaki ang asawa ng kaniyang ama.
2
Masyado kayong mayabang! Sa halip, hindi ba dapat magluksa kayo? Ang gumawa nito ay dapat alisin mula sa inyo.
3
Sapagkat kahit wala ako sa katawan, naroroon ako sa espiritu. Hinatulan ko na ang siyang gumawa nito, na parang nariyan ako.
4
Kapag kayo ay nagkatipon sa ngalan ng ating Panginoong Jesus at nariyan ako sa inyo sa espiritu, at ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus ay nariyan,
5
ibigay ninyo ang taong ito kay Satanas para sa pagkawasak ng laman, upang ang kaniyang espiritu ay mailigtas sa araw ng Panginoon.
6
Hindi mabuti ang inyong pagyayabang. Hindi ba ninyo alam na mapapaalsa ng kaunting lebadura ang buong tinapay?
7
Linisin ninyo ang inyong sarili sa lumang lebadura upang kayo ay maging bagong masa, at upang kayo ay maging tinapay na walang lebadura. Para kay Cristo, ang ating kordero ng Paskua, ay inihandog na.
8
Kaya atin nang ipagdiwang ang pista, hindi sa lumang lebadura, ang lebadura ng masamang pag-uugali at kasamaan. Kaya naman, ipagdiwang natin ang tinapay na walang lebadura ng katapatan at katotohanan.
9
Sumulat ako sa inyo sa aking liham na huwag kayong makisama sa mga taong imoral.
10
Hindi ko ibig sabihin na sa mga imoral na tao sa mundong ito, o sa mga sakim, o sa mga mandaraya, o sa mga sumasamba sa diyus-diyosan, sapagkat sa paglayo mula sa kanila ay kakailanganin ninyong umalis sa mundo.
11
Ngunit ngayon sumusulat ako sa inyo upang huwag kayong makisama sa sinumang tinawag na kapatid ngunit namumuhay sa sekswal na imoralidad, o sakim, o sumasamba sa mga diyus-diyosan, o mapang-abuso sa pananalita, o lasinggero, o mandaraya. Huwag kahit na kumain ng pagkain kasama ang gayong tao.
12
Sapagkat paanong ako ay nasangkot sa paghatol sa mga nasa labas ng iglesiya? Sa halip, hindi ba dapat ninyong hatulan ang mga nasa loob ng iglesiya?
13
Ngunit ang Diyos ang siyang hahatol sa mga nasa labas. "Alisin ang masamang tao mula sa inyo."