1 Corinthians 3 — Wikang Tagalog
1
At ako, mga kapatid, ay hindi makapagsalita sa inyo ng gaya ng mga taong espiritwal, ngunit
sa halip bilang mga taong makalaman, bilang mga maliliit na bata kay Cristo.
2
Pinainom ko kayo ng gatas, hindi ng matigas na pagkain, sapagkat hindi pa kayo handa; at hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo handa.
3
Sapagkat nananatili kayong makalaman. Dahil kung may paninibugho at pagtatalo na umiiral pa sa inyo, hindi ba namumuhay pa kayo sa laman, at hindi ba kayo lumalakad sa pamantayan ng tao?
4
Sapagkat kapag may isang nagsabi, "Ako ay sumusunod kay Pablo," at sinasabi naman ng isa, "Ako ay sumusunod kay Apolos," hindi ba kayo ay mga tao lamang?
5
Sino ba si Apolos? Sino ba si Pablo? Mga lingkod na sa pamamagitan nila kayo ay sumampalataya, na bawat isa sa kanila ay nabigyan ng Panginoon ng mga tungkulin.
6
Ako ang nagtanim at si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagbigay ng nagpalago.
7
Kung gayon, ang nagtatanim o ang nagdidlilig ay walang anuman. Ngunit ang Diyos ang siyang nagbibigay ng paglago.
8
Ngayon ang nagtatanim at nagdidilig ay iisa, at ang bawat isa ay tatanggap ng kaniyang sahod ayon sa kaniyang sariling trabaho.
9
Sapagkat tayo ay kapwa mga manggagawa ng Diyos. Kayo ang hardin ng Diyos, gusali ng Diyos.
10
Ayon sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin bilang isang mahusay na punong tagapagtayo, ako ang naglagay ng pundasyon at isa pa ang nagtatayo doon. Subalit mag-ingat ang bawat tao kung paano siya nagtatayo doon.
11
Sapagkat walang sinumang makapaglalagay ng ibang pundasyon maliban sa isa na naitayo na, iyon ay, si JesuCristo.
12
Ngayon kung sinumang nagtatayo sa pundasyon ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, dayami, o pinaggapasan,
13
ang kaniyang gawa ay maihahayag, dahil ang liwanag ang magsisiwalat nito. Sapagkat ito ay ihahayag sa apoy. Susubukin ng apoy ang kalidad ng ginawa ng bawat isa.
14
Kung mananatili ang gawa ng sinuman, siya ay tatanggap ng gantimpala;
15
nguni't kung masusunog ang ginawa ng sinuman, siya ay mawawalan, nguni't siya mismo ay maliligtas, na para bang nakatakas sa apoy.
16
Hindi ba ninyo alam na kayo ang templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo?
17
Kung sinuman ang wawasak sa templo ng Diyos, sisirain ng Diyos ang taong iyon. Sapagkat ang templo ng Diyos ay banal, at kayo din.
18
Huwag ninyong dayain ang inyong mga sarili. Kung ang sinuman sa inyo ay nag-iisip na siya ay matalino sa panahong ito, hayaan siyang maging "mangmang" upang maging matalino.
19
Sapagkat ang karunungan ng mundong ito ay kamangmangan sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Hinuhuli niya ang matalino sa kaniyang katusuhan".
20
At muli, "Alam ng Panginoon na ang mga pangangatuwiran ng matalino ay walang saysay."
21
Sa ganitong dahilan, huwag magmalaki ang sinuman. Sapagkat lahat ng mga bagay ay sa inyo,
22
maging si Pablo, o si Apolos, o si Cefas, o ang sanlibutan, o ang buhay, o ang kamatayan, o mga bagay sa kasalukuyan, o mga bagay na darating. Lahat ng mga bagay ay sa inyo,
23
at kayo ay kay Cristo, at si Cristo ay Diyos.