1 Corinthians 2 — Wikang Tagalog
1
Nang pumunta ako sa inyo, mga kapatid, hindi ako dumating nang may kahusayan ng pananalita o karunungan nang aking ipinahayag ang mga nakatagong katotohanan tungkol sa Diyos.
2
Sapagkat nagpasya akong walang kilalanin nang ako ay nasa inyo maliban kay Jesu-Cristo na siyang ipinako sa krus.
3
At nakasama ninyo ako sa kahinaan, at sa pagkatakot, at sa matinding panginginig.
4
At ang aking mensahe at pagpapahayag ay hindi sa mapang-akit na pananalita ng karunungan. Sa halip, kasama ng mga ito ang pagpapakita ng Espiritu at ng kapangyarihan,
5
upang ang inyong pananampalataya ay hindi sa karunungan ng mga tao, ngunit sa kapangyarihan ng Diyos.
6
Ngayon ay nagsasalita kami ng karunungan sa mga may sapat na gulang, ngunit hindi ang karunungan ng mundong ito, o ng mga pinuno sa ng panahong ito, na lumilipas.
7
Sa halip, sinasalita namin ang karunungan ng Diyos sa nakatagong katotohanan, ang nakatagong karunungang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga panahon para sa ating kaluwalhatian.
8
Wala sa mga namumuno sa panahong ito ang nakakaunawa nito, sapagkat kung naunawaan nila ito, hindi nila ipapako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.
9
Ngunit gaya ng nasusulat, "Walang matang nakakita, walang taingang nakarinig, walang puso ng taong nakaisip kung ano ang inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kaniya"---
10
Ngunit inihayag ng Diyos ang mga bagay na ito sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat sinasaliksik ng Espiritu ang lahat, maging ang malalim na bagay ng Diyos.
11
Sapagkat sino ang nakakaalam sa iniisip ng tao, maliban ang espirito ng tao na nasa kaniya? Ganoon din, walang nakakaalam sa mga malalim na bagay ng Diyos maliban ang Espiritu ng Diyos.
12
Ngunit hindi natin tinanggap ang espiritu ng mundo, kundi ang Espiritu na siyang nagmula sa Diyos, upang malaman natin ang mga bagay na kusang ibinigay sa atin ng Diyos.
13
Sinasabi namin ang tungkol sa mga bagay na ito sa salitang hindi itinuro ng karunungan ng tao ngunit ng Espiritu, na binibigyang kahulugan ang espiritwal na mga bagay sa mga espirituwal na tao.
14
. Ang hindi espiritwal na tao ay hindi nakatanggap ng mga bagay na nabibilang sa Espiritu ng Diyos, dahil sila ay kahangalan sa kaniya. Hindi niya sila nakikilala dahil sila ay espiritwal na natukoy.
15
Siyang espiritwal ay hahatulan ang lahat ng bagay, ngunit hindi siya sakop sa paghahatol ng iba.
16
"Sapagkat sino ang nakakaalam sa isipan ng Panginoon, na siyang makapagtuturo sa kaniya?" Ngunit nasa atin ang isipan ni Cristo.