Chapter 5

1 Pinalaya tayo ni Cristo para sa kalayaan. Kaya magpakatatag kayo at huwag na kayong magpasailalim muli sa pagkaalipin. 2 Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kung pipiliin ninyo ang pagtutuli, mawawalan nang kabuluhan sa inyo si Cristo. 3 Pinatotohanan ko, kung pipiliin ng isang tao ang pagtutuli, kailangan din niyang tuparin ang buong kautusan. 4 Mapapahiwalay kay Cristo ang sinumang nagnanais maging matuwid sa pamamagitan ng kautusan. Lumayo kayo mula sa biyaya. 5 Sa pamamagitan ng Espiritu, sa pananampalataya, hinihintay natin ang pag-asa ng katuwiran. 6 Para kay Cristo, walang halaga ang pagtutuli at hindi pagtutuli. Mahalaga ang pananampalataya ng tao na may pag-ibig. 7 Nagsimula kayo nang maganda. Sino ang nag-udyok sa inyong hindi sumunod sa katotohanan? 8 Hindi galing sa Diyos ang nag-uudyok sa inyo. 9 Kayang paalsahin ng konting lebadura ang buong harina. 10 Nagtitiwala ako sa Panginoon na hindi ninyo babaguhin ang inyong pananaw. Tatanggapin ng taong ito ang parusa, kung sinuman siyang gumugulo sa isip niyo. 11 Mga kapatid, kung pinapangaral ko pa rin ang pagtutuli, bakit ako inuusig? Sa gayon, maaalis ang kinatitisuran ng krus. 12 Sa mga nanggugulo sa inyo, putulin sana nila ang mga ari nila. 13 Mga kapatid, tinawag kayo para sa kalayaan. Huwag ninyong gamitin ang inyong kalayaan para sa ikasasaya ng laman. Sa halip, paglingkuran ninyo ang isa't isa nang may pag-ibig. 14 Sapagkat natutupad ang buong kautusan sa isang utos: "Ibigin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili." 15 Pero kung magkakagatan at magsisiraan kayo, mag-ingat na baka mawasak kayong lahat. 16 Kaya sinasabi ko sa inyo, lumakad kayo ayon sa Espiritu para hindi ninyo binibigyang-daan ang hilig ng laman. 17 Sapagkat kalaban ng naisin ng laman ang mga naisin ng Espiritu. Kalaban din ng naisin ng Espiritu ang mga naisin ng laman. Nagtatalo ang dalawang naising ito kaya hindi ninyo magawa ang mga dapat ninyong gawin. 18 Kung pinapangunahan kayo ng Espiritu, wala kayo sa ilalim ng kautusan. 19 Ngayon kapansin-pansin ang mga gawa ng laman: sekswal na imoralidad, karumihan, kalaswaan, 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pakikipag-away, pagkahati-hati, selos, pagkapoot, pagiging makasarili, pakikitunggali, pagkakampi-kampi, 21 inggit, paglalasing, malaswang pagsasaya, at mga katulad nito. Binabalaan ko kayo gaya nung dati, hindi mamanahan ng mga taong nagsasagawa ng mga ganitong bagay ang kaharian ng Diyos. 22 Ngunit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabutihan, kabaitan, at katapatan, 23 pagiging mahinahon, at pagpipigil sa sarili. Walang batas ang nagbabawal na gawin ang mga ito. 24 Sa mga kabilang kay Cristo Jesus, ipinako na sa krus ang kanilang laman kasama ang mga masamang hilig at pagnanasa nito. 25 Kung namumuhay tayo sa Espiritu, lalakad din tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging magmataas, hamunin ang isa't isa, o maging mainggitin sa isa't isa.