Chapter 6

1 Mga kapatid, kung may mahuli mang isa sa inyo na nagkakasala, dapat siyang maituwid ng mga espirituwal na namumuno sa inyo nang may kahinahunan. Banatayan ninyo ang inyong sarili at baka kayo rin ay matukso. 2 Magdalahan kayo ng pasanin ng isa't isa. Sa gayon, matutupad ninyo ang buong kautusan ni Cristo. 3 Sapagkat kung may taong nagpapahalaga ng kaniyang sarili, kahit na walang napapatunayan, dinadaya niya lang ang kaniyang sarili. 4 Kaya subukan ng bawat isa ang kanilang gawa para magkaroon siya ng dahilan para may maipagmalaki siya sa kaniyang sarili at hindi para sa iba. 5 Sapagkat dadalhin ng bawat isa ang kaniyang pasanin. 6 Bigyan ng pagkakataong magbahagi ang mga tinuturuan ng lahat ng magagandang bagay sa nagtuturo sa kanila. 7 Huwag kayong magpalinlang. Hindi kayang dayain ng tao ang Diyos. Kung anuman ang itinanim ng tao ay siyang kaniyang aanihin. 8 Sa sinumang naghasik ayon sa kaniyang laman ay mag-aani ng kasamaan mula sa laman. Ngunit ang sinumang naghasik ayon sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan mula sa Espiritu. 9 Kaya huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti dahil mag-aani tayo sa takdang panahon kung hindi tayo susuko. 10 Kung may pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa isa't isa lalo na para sa mga kapatid natin sa pananampalataya. 11 Tingnan ninyo kung paano ako sumulat ako sa inyo ng malalaking letra sulat ng aking kamay. 12 Pinipilit kayong tuliin ng mga taong nagtitiwala ayon sa laman. Ayaw ng mga taong ito na usigin sila dahil sa krus ni Cristo. 13 Hindi rin tinutupad ng mga tuli ang kautusan. Gusto nila na magpatuli din kayo para may maipagmalaki nila ang inyong laman. 14 Huwag akong pahintulutan ng Diyos na magmalaki maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu Cristo. Sa pamamagitan niya, naipako sa krus ang sanlibutan para sa akin at ako para sa sanlibutan. 15 Walang kabuluhan ang pagtutuli o hindi pagtutuli. Ang mahalaga ay ang bagong nilalang. 16 Sa lahat ng lumalakad sa ganitong panuntunan, sa kanila ang kapayapaan at awa, at sa Israel ng Diyos. 17 Mula ngayon, wala na sanang manggulo sa akin dahil dala ko sa aking katawan ang mga sugat ni Jesus. 18 Mga kapatid, ang biyaya ng ating Panginoong Jesu Cristo ay mapasainyong espiritu.