Chapter 4

1 Dahil nagdusa si Cristo sa kaniyang katawan, maghanda kayo sa kaparehong dahilan. 2 Ang sinumang nagpipigil sa kaniyang katawan ay tumitigil sa pagkakasala. Nagbubunga ito na ang isang tao ay hindi na namumuhay para sa mga pagnanasa ng tao sa kaniyang katawan kundi ang pagtupad sa kalooban ng Diyos. 3 Tapos na ang panahon para sa inyo na ginagawa ninyo ang mga nais ng mga Hentil na pamumuhay sa kahalayan, karumihan, paglalasing, labis na pagsasaya, mga maruruming pagtatali, at pagsamba sa diyus-diyosan. 4 Hindi nila maintindihan kung bakit hindi tayo nakikiayon sa kanila sa dami ng kanilang masasamang gawain kaya kayo pinagsasalitaan nila ng masama. 5 Magbibigay sila ng pagsulit sa kaniya na handa nang hatulan ang buhay at mga patay. 6 Ito ang dahilan kung bakit din ipinapangaral ang mabuting balita sa mga patay para kahit na hinatulan ang kanilang mga katawang panlupa, mabubuhay ang kanilang espiritu gaya ng sa paraan ng Diyos. 7 Malapit nang dumating ang pagwawakas ng panahon. Kaya dapat magkaroon kayo ng malinis na pag-iisip at maging mapagbantay kayo sa inyong isip para rin sa inyong pananalangin. 8 Higit sa lahat, maging mainit ang inyong pagmamahal sa isa't isa dahil kayang pagtakpan ng pag-ibig ang napakaraming kasalanan. 9 Maging matanggapin kayo sa mga bisita nang hindi nagrereklamo. 10 Yamang tumanggap ang bawat isa sa inyo ng kaloob, gamitin ninyo ito para paglingkuran ang bawat isa bilang mga mabubuting katiwala ng biyaya ng Diyos. 11 Kung may isa sa inyon nagsasalita, sabihin niya ito ayon sa salita ng Diyos. Kung may maglilingkod, gawin niya ito sa lakas ng bigay ng Diyos. Gawin ninyo ito para sa lahat ng bagay mapapapurihan ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu Cristo. 12 Mga minamahal, huwag kayong magtaka kung sinusubukan kayo sa apoy na parang may kakaibang nangyayari sa inyo. 13 Sa halip, magalak kayo sa gita ng mga pagsubok dahil kay Cristo para magagalak kayo at matutuwa pag ipinahayag na ang kaniyang kaluwalhatian. 14 Kung kayo ay nilalait dahil sa pangalan ni Cristo, mapalad kayo dahil ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay sumasainyo. 16 15 Pero huwag magdusa ang isa sa inyo tulad ng mamamatay-tao, masamang tao, o isang pakialamero. Kung may isa sa inyong nagdurusa bilang isang Cristiano, hindi dapat siya mahiya kundi papurihan niya ang Diyos sa kaniyang pangalan. 17 Ito na ang panahon ng paghahatol simula sa tahanan ng Diyos. Kung tayo ang sisimulang hatulan, paano pa kaya ang bunga nito para sa mga sumusuway sa mabuting balita ng Diyos? 18 At kung mahirap para iligtas ang mabubuti, paano pa kaya kahirap para sa mga sumusuway sa Diyos at sa makasalanan? 19 Kaya ang mga nagdurusa para sa kalooban ng Diyos ay magtatapat sa kaniyang gawa para sa Manlilikha.