Chapter 5

1 Pinapayuhan ko ang mga matatanda sa inyo. Gaya niyo rin, ako ay isang matanda at saksi sa mga pagdurusa ni Cristo. Kabilang ako sa mga makikibahagi sa kaluwalhatian ng Diyos sa oras na siya'y maipahayag. 2 Bilang mga pastol, pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo at bilang mga katiwala. Huwag ninyo itong gawin nang napipilitan lang kundi magbukas kayo ng loob sa Diyos sa paglilingkod. Huwag niyo itong gawin para pagkakitaan sila ng pera. 3 Huwag kayong manguna bilang mga panginoon sa mga pinagkatiwala sa inyo. Sa halip, maging mabuti kayong halimbawa sa kawan. 4 Pagdating ng Punong Pastol, tatanggapin ninyo ang hindi kumukupas na korona ng kaluwalhatian. 5 Sa ganito ring paraan, magpasakop kayong mga nakababatang lalaki sa mga matatandang lalaki. Isuot ninyong lahat ang damit ng kababaang loob at paglingkuran ninyo ang isa't isa. Kalaban ng Diyos ang mga mayayabang pero binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba. 6 Kaya magpakumbaba kayo sa kamay ng makapangyarihang Diyos para itataas niya kayo sa takdang panahon. 7 Ipasa ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong kabigatan dahil pinapahalagahan niya kayo. 8 Maging maingat kayo maging mapagbantay. Ang diyablo na inyong kaaway ay nagpapaligid-ligid gaya ng isang maingay na leon na naghahanap ng lulusubin. 9 Tumindig kayo at maging malakas sa inyong pananampalataya. Isipin ninyong ang mga kapatiran sa buong mundo ay nakararanas din ng ganitong pagsubok. 10 Pagkatapos kayong magdusa nang panandalian, gagawin kayong ganap, kikilalanin ka, palalakasin ka, at pagtitibayin ka ng Diyos ng lahat ng biyaya. 11 Sa kaniya ang paghahari sa lahat ng panahon at magpakailanman. Amen. 12 Tinuturing ko si Silvanus bilang tapat kong kapatid at nagsulat ako tungkol sa kaniya. Pinapayuhan ko kayo at nagpapatotoo sa inyo na ang isinulat ko rito ay dahil lang sa tunay na biyaya ng Diyos. Manindigan kayo rito. 13 Binabati kayo ng babaeng nasa Babilonia na pinili rin kasama ninyo. Bumabati rin kayo ng anak kong si Marcos. 14 Magbatian kayo ng halik na may pagmamahal. Sumainyo ang kapayapaan para sa lahat ng kay Cristo.