Chapter 3

1 May isang Pariseo na ang pangalan niya ay Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio. 2 Pumunta siya kay Jesus sa gabi at sinabi niya sa kaniya, "Rabi, alam naming isa kang gurong nanggaling sa Diyos dahil walang sinumang makakagagawa ng mga tandang ito maliban na nasa kaniya ang Diyos." 3 Sumagot si Jesus sa kanya, "Sinasabi ko sa iyo, maliban na ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos." 4 Sinabi ni Nicodemo sa kaniya, "Paano ipapanganak ang isang tao kung matanda na siya? Hindi na siya pwedeng pumasok sa pangalawang pagkakataon sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak pa uli, diba" 5 Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, kung hindi ipinanganak ang tao sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong ipanganak sa laman ay laman, at ang taong ipanganak sa espiritu ay espritu. 7 Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, 'Dapat kayong ipanganak muli.' 8 Umiihip ang hangin kung saan nito gusto. Naririnig ninyo ang tinig nito, pero hindi ninyo alam kung saan ito nanggagaling o kung saan ito pupunta. Gayon din naman ang sinumang isinilang sa Espiritu." 9 Sumagot si Nicodemo, "Paano mangyayari ang mga bagay na ito?" 10 Sinagot siya ni Jesus, "Diba isa kang guro ng Israel pero hindi mo naiintindihan ang mga bagay na ito? 11 Tunay ngang sinasabi namin ang mga nalalaman namin at pinatotohanan namin ang mga nakita namin. Subalit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. 12 Kung sinabi ko sa iyo ang mga bagay na makalupa at hindi ka naniwala, paano mo paniniwalaan ang mga sasabihin ko sa iyo tungkol sa mga bagay na makalangit? 13 Walang sinumang umakyat sa langit maliban sa Anak ng Tao na bumaba sa langit. 14 Tulad ng pagtaas ni Moises ng ahas sa ilang, gayundin na kailangang maitaas ang Anak ng Tao 15 para lahat ng mananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16 Dahil sa labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang nag-iisang Anak para ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Dahil isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo hindi para parusahan ang sangkatauhan kundi para ang mundo ay maligtas sa pamamagitan niya. 18 Ang sumampalataya sa kaniya ay hindi hahatulan. Ang hindi sumampalataya ay hinatulan na dahil hindi siya sumampalataya sa pangalan ng nag-iisang Anak ng Diyos. 19 Ito ang dahilan ng paghahatol, kaya dumating ang ilaw sa mundo. Pero minahal ng mga tao ang dilim kaysa sa liwanag dahil masama ang kanilang mga ginagawa. 20 Dahil ang sinuman na gumagawa ng masama ay galit sa liwanag at hindi lumalapit sa ilaw para hindi malantad ang kaniyang ginagawa. 21 Subalit ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa liwanag para ang kaniyang mga gawa at makita ang mga iyon dahil sa pagsunod sa Diyos." 22 Pagkatapos nito, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay pumunta sa lupain ng Judea. Nanatili siya doon kasama nila at nagbabautismo. 23 Ngayon si Juan din ay nagbabautismo sa Enon malapit sa Salim dahil mas maraming tubig doon. Lumalapit sa kaniya ang mga tao at sila ay nababautismuhan, 24 dahil hindi pa naipapakulong noon si Juan. 25 Pagkatapos nito, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng ilang alagad ni Juan at sa isang Judio tungkol sa seremonya ng paghuhugas. 26 Pumunta sila kay Juan, at sinabi nila sa kanya "Rabi, tungkol sa kasama mo sa ibayo ng ilog Jordan na pinatotohanan mo, tingnan mo. Nagbabautismo siya at pumupunta ang lahat sa kaniya." 27 Sumagot si Juan, "Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban kung ibinigay ito sa kaniya mula sa langit. 28 Kayo mismo ang makapagpapatunay na sinabi ko, 'Hindi ako ang Cristo'. Sa halip sinabi ko, 'Isinugo ako bago pa siya." 29 Kasama ng ikakasal na babae ay ang ikakasal na lalaki. Masayang-masaya ang kaibigan ng ikakasal na lalaki, na siyang nakatayo ngayon at nakikinig dahil sa tinig ng ikakasal na lalaki. Ang kagalakan ko ngayon ay naging ganap. 30 Dapat siyang maitaas ngunit dapat naman akong maibaba. 31 Ang mula sa kaitaasan ay nakatataas sa lahat. Ang taga lupa ay nagmula sa lupa at nagsasalita ng mga bagay na makalupa. Nakahihigit sa lahat ang nagmula sa langit. 32 Nagpapatotoo siya kung ano ang kaniyang nakita at narinig, ngunit walang taong tumatanggap sa kaniyang patotoo. 33 Ang tumanggap sa kaniyang patotoo ay nagpapatunay na totoo ang Diyos. 34 Dahil ang sinumang ipinadala ng Diyos ay nagpang walang limitasyon. 35 Mahal ng Ama ang Anak at ibinigay ng Ama sa kaniyang kamay ang lahat ng bagay. 36 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang sinumang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay kundi mananatili ang poot ng Diyos sa kaniya."