Chapter 3

1 Tatandaan mo na sa mga huling araw ay magkakaroon ng kahirapan. 2 Ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, hambog, mga lapastangan, suwail sa mga magulang, walang utang na loob, at hindi banal. 3 Mawawala sa kanila ang likas na pag-ibig, hindi mapayapa, mga mapanira, walang pagpipigil sa sarili, marahas, hindi gugustuhin ang paggawa ng mabuti. 4 Sila ay magiging mga taksil, matigas ang ulo, palalo, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos. 5 Magkukunwari silang mga maka-diyos ngunit itatanggi nila ang kapangyarihan nito. Layuan mo ang mga taong ito. 6 Sapagkat ilan sa kanila ay pumapasok sa mga bahay at nang-aakit ng mga mangmang na babae. Ang mga babaeng ito ay patong-patong ang mga kasalanan at natatangay ng iba't-ibang pagnanasa. 7 Ang mga babaeng ito ay palaging nag-aaral, ngunit kahit kailan wala silang kakayahang magkaroon ng pang-unawa sa katotohanan. 8 Sa ganoong paraan din tinuligsa nina Janes at Jambres si Moises. Sa ganitong paraan din nilalabanan ng mga bulaang tagapagturo ang katototohanan. Nasira ang isip ng mga taong ito at hindi sumang-ayon sa pananampalataya. 9 Hindi sila magtatagumpay dahil mahahayag ang kanilang kahangalan sa lahat, kasama ang mga kalalakihang ito. 10 Ngunit para sa iyo, sinunod mo ang aking mga aral, pag-uugali, layunin, pananampalataya, mahabang pasensiya, pag-ibig, pagtitiyaga, 11 pag-uusig, pagtitiis, at na mga nangyari sa akin sa nung ako'y nasa Antioquia, Iconio, at Listra. Tiniis ko ang mga pag-uusig. Iniligtas ako ng Panginoon sa lahat ng panganib. 12 Ang lahat ng gustong mamuhay ng matuwid kay Cristo Jesus ay uusigin. 13 Ang masasamang tao at ang mga mapagpanggap ay lalong magiging masama. Ililigaw nila ang iba dahil sila mismo ay naililigaw. 14 Kaya manatili ka sa mga bagay na iyong natutunan at matibay mong pinaniniwalaan. Alalahanin mo kung sinong nagturo sa iyo. 15 Mula pa nung bata ka, alam mo na mensahe sa sagradong kasulatan. Ang mga ito ang magbibigay sa iyo ng karunungan para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Ito ay mapapakinabangan sa pangangaral, sa pagsaway, pagtatama sa mali, at pagsasanay sa katuwiran. 17 Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magkaroon ng kakayahan at magiging kagamit-gamit sa lahat ng mabuting gawa.