Chapter 2

1 Kaya magpakatatag ka anak ko sa biyayang nakay Cristo Jesus. 2 At ang mga bagay na narinig mo sa akin kasama ng maraming saksi, ipagkatiwala mo ang mga ito sa mga tapat na tao na kaya ring magturo sa iba. 3 Makiisa ka sa akin sa pagdurusa at paghihirap tulad ng isang mabuting sundalo ni Cristo Jesus. 4 Walang sundalo ang naglilingkod habang nakatali sa mga suliranin sa buhay na ito, para maging kalugud-lugod siya sa matataas na opisyal. 5 Gayundin, kung sinuman ang sasali sa paligsahan tulad ng isang manlalaro, tatanggapin niya lang ang korona kung sasali siya sa paligsahan ayon sa mga alituntunin. 6 Nararapat na maging masipag ang isang magsasaka para una niyang tatanggapin ang bahagi ng aanihin. 7 Pag-isipan mong mabuti ang aking sinasabi dahil ang Panginoon ang magbibigay sa iyo ng pang-unawa sa lahat ng bagay. 8 Alalahanin mo si Jesu-Cristo na anak ni David, na binuhay mula sa mga patay. Ito sa ipinahayag ko sa ebanghelyo, 9 kung saan ako ay nagdurusa na umabot sa pagkakakulong ko gaya ng isang kriminal. Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nakatanikala. 10 Kaya tinitiis ko ang lahat ng bagay para sa mga pinili, para matamo din nila ang kaligtasan na nakay Cristo Jesus. Sa kanya ang walang hanggang kaluwalhatian. 11 Mapagkakatiwalaan ang kawikaang ito: "Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayo kasama niya. 12 Kung magtitiis tayo, maghahari din tayong kasama niya. Kung ikakaila natin siya, ikakaila din niya tayo. 13 Kung hindi tayo magtatapat, mananatili siyang tapat dahil hindi niya kayang ipagkaila ang kaniyang sarili." 14 Palagi mo silang paalalahanan ng mga bagay na ito. Pagsabihan mo sila sa harap ng Diyos na huwag makipag-away tungkol sa mga usapin dahil walang mapapakinabangan dito. Magiging dahilan pa ito sa pagkawasak ng mga nakikinig. 15 Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para iharap ang iyong sariling karapat-dapat sa Diyos bilang isang manggagawang walang dapat ikahiya. Panghawakan mo nang tama ang salita ng katotohanan. 16 Iwasan ninyo ang mga usapang malaswa at nagiging daan sa hindi tamang pagkakilala sa Diyos. 17 Kumakalat ang kanilang kanilang salita tulad ng ganggrena. Kabilang sa mga taong ito sina Himeneo at Fileto. 18 Nalihis sa katotohanan ang mga lalaking ito. Sinasabi nila na nangyari na ang muling pagkabuhay. Ginugulo nila ang pananampalataya ng iba. 19 Gayunman, nakatayo nang matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos. Mayroon itong nakatatak na ganito: "Nakikilala ng Panginoon kung sino ang sa kaniya," at "Bawat isang tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan." 20 Sa tahanan ng isang mayaman, hindi lang ito naglalaman ng mga gamit na yari sa ginto at pilak. Naglalaman din ang bahay ng mga gamit na gawa sa kahoy at paso. Ang ilan sa mga ito ay ginagamit sa marangal ngunit ang ilan ay sa hindi marangal. 21 Kung sinuman ang magpapasiyang lilinisin ang kaniyang sarili mula sa hindi marangal na pagkakagamit, siya ay magiging isang marangal na kasangkapan. Siya ay ibinukod at kagamit-gamit para sa kaniyang Panginoon, at inihanda para sa bawat mabuting gawain. 22 Lumayo ka sa mga pagnanasa sa laman ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay sa katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan kasama ang mga tumatawag sa Panginoon na may malinis na puso. 23 Ngunit iwasan mo ang mga walang kabuluhan at mangmang na pagtatanong. Alam mong hahantong ang mga ito sa pagtatalo. 24 Hindi dapat nakikipag-away ang lingkod ng Panginoon. Sa halip dapat siyang maging maingat sa lahat, may kakayahang magturo, at matiyaga. 25 Dapat niyang sabihan nang mahinahon ang mga sumasalungat sa kaniya. Sa ganitong paraan, baka pagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman sa katotohanan at sila'y magsisi. 26 Maliliwanagan muli ang kanilang isip at makakawala sa bitag ng diyablo, pagkatapos na mabihag niya sila para sa kaniyang kagustuhan.