1
1
Ngayon ito ang nangyari pagkatapos mamatay si Moises, ang lingkod ni Yahweh, na nangusap kay Josue ang anak ni Nun, punong pumapangalawa kay Moises, sinasabing,
2
"Namatay na si Moises na aking lingkod. Kaya ngayon, babangon, tatawirin ang ilog Jordan na ito, ikaw at lahat ng tao, sa lupaing ibibigay ko sa kanila—sa bayan ng Israel.
3
Ibinigay ko sa inyo ang bawat lugar na lalakaran ng iyong mga talampakan. Ibinigay ko na ito sa inyo, tulad ng ipinangako ko kay Moises.
4
Magiging lupain niyo, mula sa ilang at Lebanon hanggang sa malawak na ilog, ang Eufrates, lahat ng lupain ng mga Heteo, at sa Malawak na Dagat, kung saan lumulubog ang araw.
5
Walang sinumang makakatayo sa harap ninyo sa lahat ng araw ng inyong buhay. Sasamahan kita tulad ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita pababayaan o iiwan kita.
6
Maging malakas at maging matapang ka. Ikaw ang dahilan ng lupaing ito upang manahin tulad ng aking pangako sa inyong mga ninunong ibibigay ko sa kanila.
7
Maging malakas at maging matapang ka. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta.
8
Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para lubusan mong masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.
9
Hindi ba't iniutos ko sa iyo? Maging malakas at maging matapang ka! Huwag matakot. Huwag matakot. Huwang panghinaan ng loob. Sapagka't kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta."
10
Kaya't inutusan ni Josue ang mga pinuno ng bayan,
11
"Lumibot kayo sa kampo at utusan ang mga tao, 'Maghanda ng mga makakain sa inyong sariling. Sa loob ng tatlong araw tatawirin ninyo ang ilog na ito at pasukin at angkinin ang lupain na ibinibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo para angkinin."'
12
Sinabi ni Josue sa mga lipi ni Reuben, mga lipi ni Gadita at sa kalahating lipi ni Manases,
13
"Alalahanin ang iniutos ni Moises na lingkod ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Binibigyan kayo ng pahinga ni Yahweh na inyong Diyos, at ibinibigay niya sa inyo ang lupaing ito.'
14
Mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan ang inyong mga asawa, inyong mga anak, at ang inyong mga alagang hayop. Pero ang inyong mga mandirigma ay tatawid kasama ng inyong mga kapatid na lalaki at tutulungan sila
15
hanggang ipagkaloob ni Yahweh sa inyong mga kapatid na lalaki ang kapahingahan tulad ng ibinigay niya sa inyo. At aangkinin din nila ang lupaing ibinibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos. Pagkatapos babalik kayo sa sarili ninyong lupain at angkinin ito, ang lupaing ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabila ng Jordan, kung saan sumisikat ang araw."
16
At sumagot sila kay Josue, sinabing, "Gagawin namin ang lahat ng iniutos mo sa amin, at pupunta kami saan mo man kami ipapadala.
17
Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Nawa'y samahan ka ni Yahweh, tulad ng pagsama niya kay Moises.
18
Mamamatay ang sinumang susuway sa mga utos mo at lalabag sa iyong mga salita. Maging malakas at matapang."