Pitong lalaki at pitong babae ng bawat malinis na hayop at mga ibon ang dapat dalhin sa arka.
Sinabi ng Diyos na ang ulan ay magpapatuloy sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi.
Si Noe ay anim na raang taon nang dumating ang baha sa mundo.
Pumunta kay Noe ang mga hayop at pumasok sa arka.
Nanggaling ang tubig mula sa kailaliman ng lupa at mula sa kalangitan.
Si Yahweh ang nagsara ng pinto para sa kanila.
Tumaas ang mga tubig ng labinlimang kubit sa ibabaw ng mga tuktok ng mga bundok.
Lahat ng mga nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng mundo, at lahat ng sangkatauhan ay namatay.
Tanging si Noe at yaong mga kasama niya sa arka ang natirang buhay.