Kumuha ang mga anak ng Diyos ng mga asawa para sa kanilang sarili mula sa mga anak ng babae ng sangkatauhan.
Sinabi ng Diyos ang sangkatauhan ay mabubuhay ng 120 na taon.
Ang malalakas na mga tao ng unang panahon ay mga higante na ipinanganak mula sa pag-iisang-dibdib ng mga anak na lalaking Diyos sa mga anak na babae ng mga tao.
Nakita ni Yahweh ang kasamaan ng sangkatauhan ay labis, at ang bawat iniisip nila ay masama.
Nagpasya si Yahweh na lipulin ang sangkatauhan mula sa mundo.
Si Noe ang nakasumpong ng pagtatangi sa mata ni Yahweh.
Si Noe ay matuwid na tao, walang kapintasan, at isang taong lumalakad kasama ang Diyos.
Sinabi ni Diyos ka Noe na gumawa ng arka.
Sinabi ng Diyos na magpapadala siya ng baha ng tubig sa mundo.
Itinatag ng Diyos ang kanyang tipan kay Noe.
Sinabihan ng Diyos si Noe na dalhin ang kaniyang asawa, kanyang tatlong mga anak na lalaki, at ang mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki.
Dalawa ng bawat uri ng buhay na nilalang, lalaki at babae, ay dapat na dalhin sa arka.
Ginawa ito ni Noe ang lahat ayon s autos ng Diyos.