Genesis 1

Genesis 1:1

Ano ang nilikha ng Diyos sa simula?

Nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.

Ano ang ginagawa ng Espiritu ng Diyos?

Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng katubigan.

Genesis 1:3

Paano nilikha ng Diyos ang liwanag?

Sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng liwanag".

Genesis 1:6

Ano ang nilikha ng Diyos sa ikalawang araw?

Nilikha ng Diyos ang langit bilang puwang sa pagitan ng mga tubig.

Genesis 1:9

Ano ang tinawag ng Diyos sa tuyong lupain at nagtipong mga tubig?

Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na "lupa" at ang natipong tubig ay tinawag niyang "dagat."

Genesis 1:11

Ano ang nilikha ng Diyos sa ikatlong araw?

Nilikha ng Diyos ang mundo, ang karagatan, ang mga halaman, at ang mga punong kahoy.

Anong mga bagay na may buhay ang nilikha ng Diyos sa ikatlong araw?

Nilikha ng Diyos ang mga halaman, ang mga namumungang punong kahoy, at ang mga pananim sa ikatlong araw.

Genesis 1:14

Ano ang layunin ng mga liwanag sa langit?

Inihiwalay nila ang araw mula sa gabi, at bilang mga palatandaan para sa mga panahon, para sa mga araw at mga taon.

Genesis 1:16

Ano ang nilikha ng Diyos sa ikaapat na araw?

Nilikha ng Diyos ang dalawang malaking mga liwanag at ang mga bituin.

Genesis 1:20

Ano ang nilikha ng Diyos sa ikalimang araw?

Nilikha ng Diyos ang mga buhay na nilalang sa karagatan at mga ibon.

Genesis 1:22

Anong utos ang binigay ng Diyos sa mga pandagat na nilalang at mga ibon?

Maging mabunga, at magpakarami.

Genesis 1:26

Ano ang nilikha ng Diyos sa ikaanim na araw?

Nilikha ng Diyos ang mga buhay na nilalang sa mundo at ang tao.

Ano ang nilikha ng Diyos ayon sa kanyang wangis?

Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang wangis.

Sa ibabaw ng anong mga bagay binigyan ang tao ng kapangyarihan?

BInigyan ng Diyos ang tao ng kapangyarihan sa ibabaw ng isda sa dagat, sa ibabaw ng mga ibon sa langit, sa ibabaw ng mga alagang hayop, sa ibabaw ng buong mundo, at sa ibabaw ng bawat gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo.

Genesis 1:28

Anong utos ang binigay ng Diyos sa tao?

Maging mabunga at magpakarami, punuin ang mundo at sakupin ito.

Ano ang ibinigay ng Diyos sa tao para kainin?

Binigay sa kanila ng Doys ang ang bawat pananim na nagbibigay ng buto na nasa ibabaw ng buong mundo, at bawat punong-kahoy.

Genesis 1:30

Nang nakita ng Diyos ang lahat ng kaniyang ginawa, ano ang tingin niya dito?

Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya.