Genesis 2

Genesis 2:1

Ano ang ginawa ng Diyos sa ikapitong araw?

Nagpahinga siya mula sa lahat ng kaniyang ginawa, at pinagpala at ginawang banal ang araw na ito.

Genesis 2:4

Bago magpaulan si Yahweh, paano dinidiligan ang lupa?

Umakyat ang hamog mula sa mundo

Genesis 2:7

Paano gumawa si Yahweh ng tao?

Ginawa ni Yahweh ang tao mula sa alabok ng lupa at hininga sa kanya ang hinga ng buhay.

Saan una nilagay ni Yahweh ang tao?

Sa hardin ng Eden.

Genesis 2:9

Ano ang dalawang punong kahoy ang nasa gitna ng hardin?

Ang puno ng buhay at ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama.

Genesis 2:15

Ano ang gagawin ng tao sa hardin?

Siya ay magtatrabaho at panatiliin ang hardin.

Anong utos ang ibinigay ng Diyos sa lalaki tungkol sa kung ano ang kaniyang kakainin?

Mula sa bawat puno sa hardin ay malaya kang makakakain. Pero mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay hindi ka maaaring kumain.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa tao kapag sinuway niya ang utos?

Sa araw na kumain ka mula roon, ikaw ay tiyak na mamamatay.

Genesis 2:18

Ano ang sinabi ni Yahweh na hindi mabuti?

Sinabi niya na hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa.

Ano ang ipinagawa ni Yahweh sa lalaki sa lahat ng buhay na nilalang?

Pinangalanan ng tao ang bawat buhay na nilalang.

Ano ang hindi natagpuan sa lahat ng buhay na nilalang?

Isang katuwan para sa lalaki.

Genesis 2:21

Paano nilikha ni Yahweh ang babae?

Pinatulog ni Yahweh ang lalaki nang malalim at kumuha ng isang tadyang mula sa kaniya at gumawa ng babae mula sa tadyang.

Bakit tinawag ito ng lalaki na babae?

Dahil kinuha siya mula sa lalaki.

Genesis 2:24

Paano magiging isang laman ang babae at lalaki?

Ang lalaki ay makikipag-isa sa babae bilang kanyang asawa.

Nahihiya ba ang lalaki at bababe noon sila ay hubad?

Hindi.