1 John 1 — Wikang Tagalog

1 Na kung alinman mula sa simula- na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming natunghayan, at nahawakan ng aming mga kamay-patungkol sa Salita ng buhay. 2 Gayundin, ang buhay ay ipinakilala, at aming nakita, at pinatotohahanan namin. Hinahayag namin sa inyo ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama, at ipinakilala sa amin. 3 Ang aming nakita at narinig ay inihayag din namin sa inyo, sa gayon ay magkaroon kayo ng pakikisama sa amin. Ang ating pakikisama ay kasama ang Ama at kasama ang kanyang Anak,si Jesu-Cristo. 4 Gayundin, isinulat namin ang mga bagay na ito sa inyo upang ang aming kagalakan ay maging ganap. 5 Ito ang mensahe na aming narinig mula sa kanya at ipinapahayag sa inyo: Ang Diyos ay liwanag, at sa kanya ay walang anumang kadiliman. 6 Kung sinasabi natin na tayo ay mayroong pakikisama sa Kanya at lumalakad sa kadiliman, tayo ay nagsisinungaling at hindi isinasagawa ang katotohanan. 7 Pero kung tayo ay lumalakad sa liwanag na gaya niyang nasa liwanag, mayroon tayong pakikisama sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus mula sa lahat ng kasalanan. 8 Kung sinasabi natin na wala tayong kasalanan, niloloko natin ang ating mga sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. 9 Pero kung pinapahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kasamaan. 10 Kapag sinabi natin na hindi tayo nagkasala, ginawa natin siyang isang sinungaling, at ang kanyang salita ay wala sa atin.