Chapter 5

1 Yamang itinuring tayong matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, nagkaroon tayo ng kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sa pamamagitan niya, pinayagan tayong makalapit sa Diyos sa pananampalataya ayon sa biyayang ating pinaninindigan. Nagagalak tayo sa pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos. 3 Hindi lamang iyan, nagagalak din tayo sa gitna ng mga pagsubok dahil alam nating ang pagsubok ay nagbubunga ng pagtitiis. 4 Ang pagtitiis ay nagbubunga ng pag-uugali, at ang pag-uugali ng pag-asa. 5 Hindi tayo binibigo ng pag-asang ito dahil ibinuhos ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa mga puso natin sa pamamagitan ng Banal na Espiritung ibinigay niya sa atin. 6 Noong tayo'y mahina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga hind makadiyos. 7 Bibihirang may taong mamatay para sa isang taong matuwid. Maari din namang may taong mamatay para sa isang mabuting tao. 8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin, namatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. 9 Ngayong tayo'y pinawalang-sala ng kaniyang dugo, lalo tayong nakasisigurong ililigtas niya tayo mula sa poot ng Diyos. 10 Noong tayo'y mga kaaway niya, nakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak. Ngayong tayo'y nakipagkasundo sa kaniya, higit tayong nakatitiyak na ililigtas tayo sa buhay na ito. 11 Dagdag pa dito, nagagalak din tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tumanggap tayo ng pakikipagkasundo sa pamamagitan niya. 12 Kung paanong nakapasok sa mundo ang kasalanan sa pamamagitan ng isang tao, ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, gayundin napasailalim sa kamatayan ang lahat ng taong nagkasala. 13 Bago pa ibinigay ang kautusan, nasa ilalim na ng kasalanan ang mundo. Ngunit hindi maituturing na kasalanan ang isang paggawa kung walang nagtatakdang kautusan. 14 Ngunit naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kasama pati ang mga taong nagkasala hindi man katulad nito sa pagsuway kay Adan. Si Adan ay naglalarawan sa isang tao na paparating. 15 Ang kaloob ay hindi katulad ng pagsuway. Kung marami ang namatay sa pamamagitan ng isang pagsuway, mas nakakahigit dito ang biyaya ng Diyos. Dahil sa kaloob ng isang tao si Jesu-Cristo, marami ang makatatanggap ng kaniyang biyaya. 16 Ang kaloob na ito ng Diyos ay hindi nagbubunga gaya sa pagkakasala ng isang tao. Dahil sa pagsuway ng isang tao, ang naging hatol ay kaparusahan, ngunit ang kaloob ay nagdulot ng pagpapawalang-sala sa maraming nagawang kasalanan. 17 Kung naghari ang kamatayan sa isang tao dahil sa kaniyang pagsuway, higit na tatanggapin nila ang masaganang biyaya at maghahari sa kanila ang kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isang tao, si Jesu-Cristo. 18 Kung ang pagsuway ng isang tao ay nagbunga ng kaparusahan sa lahat ng tao, ang matuwid na paggawa ng isang tao ay nagbunga ng pagpapawalang-sala at buhay para sa lahat ng tao. 19 Kung sa pagsuway ng isang tao ay naging makasalanan ang marami, marami ang ituturing na matuwid dahil sa pagsunod ng isang tao, . 20 Nung dumating ang kautusan, lalong dumami ang pagsuway. Ngunit kung nanagana ang kasalanan, higit na nanagana ang biyaya. 21 Kung paanong naghari ang kasalanan sa kamatayan, naghari din ang biyaya ng katuwiran tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon.