Chapter 2

3 1 Kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. 2 Ganito kayo lumalakad noon ayon sa takbo ng mundo sa ilalim ng kapangyarihan ng prinsipe na namumuno sa mga hangin. Ang espiritu niya ang gumagawa sa mga anak ng sumusuway. v 3 Namumuhay tayo noon pagnanasa ng ating laman, sinusunod ang mga kagustuhan ng laman at masamang isip, at taglay ang kalikasan ng mga anak na tatanggap ng poot ng Diyos, katulad ng iba. 4 Ngunit mayaman sa awa ang Diyos at minahal niya tayo sa dakila niyang pag-ibig. 5 Kahit noong patay pa tayo sa kasalanan, binuhay niya tayong kasama ni Cristo. Iniligtas niya tayo ayon sa kaniyang biyaya, 6 at binuhay tayong kasama niya at pinaupong kasama ni Cristo Jesus sa mga lugar sa kalangitan, 7 upang maipakita ng Diyos sa mga darating na panahon ang labis labis na yaman ng kaniyang biyaya at kabaitan sa atin kay Cristo Jesus. 8 Sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi niyo it pag-aari kundi. Ito ay kaloob ng Diyos, 9 hindi sa pamamagitan ng gawa para may maipagmalaki ang sinuman. 10 Tayong lahat ay ginawa ng Diyos, nilikha kay Cristo Jesus upang gumawa ng mabubuting bagay na itinakda na ng Diyos noonpaman upang lumakad sa ganitong paraan. 11 Kaya tandaan ninyo, kayong mga Gentil ay namuhay noon sa laman. Tinawag kayong di tuli ng pangkat ng mga Tuli, sa inyong laman na ginawa ng kamay ng tao. 12 Sa panahong iyon, kayo ay hiwalay kay Cristo, hindi kayo kabilang sa bayan ng Israel at mga dayuhan kayo sa tipanan ng pangako. Wala kayo noong pag-asa at walang Diyos sa mundong ito. 13 Kahit kayo noo'y malayo sa Diyos, kayo ngayon ay kay Cristo Jesus at nailapit sa Diyos sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. 14 Sapagkat siya ang ating kapayapaan. Pinag-isa niya ang dalawa at pinabagsak ang pader na naghihiwalay sa mga tao. 15 Winasak niya sa kaniyang laman ang pakikipag-away ng tao maging ang alituntunin ng mga batas nakapaloob sa Kautusan, upang pag-isahin niya sa kaniyang sarili ang dalawang uri ng tao at magkaroon ng kapayapaan. 16 Ginawa niya ito upang magkasundo ang dalawa sa iisang katawan ng Diyos sa pamamagitan ng krus, at kasamang namatay ang pakikipagaway nila. 17 Dumating si Jesus at pinahayag niya ang kapayapaan sa inyo na nasa malayo at kapayapaan sa kanilang nasa malapit. 18 Sa pamamagitan ni Jesus, nagkaroon tayo ng daan sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu. 19 Sapagkat sa pamamagitan ni Jesus, hindi na kayo mga dayuhan at manlalakbay, kundi mga kapwa mamamayan kasama ng mga pinili, maging sa sambahayanan ng Diyos. 20 Binuo niya kayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta. Si Cristo Jesus ang batong panulukan. 21 Sa kaniya nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at binubuo upang maging isang templo sa Panginoon. 22 Dahil sa kaniya, binuo niya kayong magkakasama para maging tahanan ng Diyos sa Espiritu.