Chapter 1

1 Si Pablo, na apostol ni Cristo ayon sa kalooban ng Diyos; para sa mga ibinukod ng Diyos na nasa Efeso at mga nagtatapat kay Cristo Jesus. 2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Pinagpala niya ang bawat isa ng mga pagpapalang espirituwal kay Cristo sa kalangitan. 4 Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na tayo ng Diyos na mga mananampalataya kay Cristo. Pinili niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa kanyang paningin. 5 Pinili na tayo ng Diyos sa sinaunang panahon pa upang kupkupin bilang kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa magandang naisin ng kanyang kalooban. 6 Ang pagkupkop niya ay nagbubunga ng papuri sa kanyang dakilang biyaya na malaya niyang ipinamigay sa atin sa pamamagitan ng kaniyang pinakamamahal na anak. 7 Dahil sa kaniyang pinakamamahal na anak, nagkaroon tayo ng katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo. Ito ang kapatawaran ng mga kasalanan. Nagkaroon tayo ng katubusan dahil sa yaman ng kaniyang biyaya. 8 Pinasagana niya ang kaniyang biyaya para sa atin nang buong karunungan at kaalaman. 9 Ipinahayag sa atin ng DIyos ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang kagustuhan na ipinakita niya kay Cristo. 10 Kung maganap na ang itinakda niyang plano na magaganap sa tamang panahon, pagsasamahin niya ang lahat ng bagay, lahat ng bagay sa langit at sa lupa, sa ilalim ng isang pinuno, na si Cristo. 11 Sa pamamagitan ni Cristo, binigyan tayo ng mamanahin, mga kasamang tinakda noog sinauna ayon sa plano niyang kumikilos sa lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12 Pinili tayo ng Diyos na kanyang mga tagapagmana para tayo, ng mga naunang umasa kay Cristo, ang magbibigay ng papuri sa kanyang kaluwalhatian. 13 Kay Cristo, napakainggan niyo rin ang salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan. Naniwala kayo sa kanya at tinatatakan kayo ng ipinangakong Espiritu Santo. 14 Siya ang katibayan ng ating mamanahin hanggang sa tanggapin natin ang katubusan, para sa kapurihan ng kanyang kaluwalhatian. 15 Sa kadahilanang ito, simula nang mapakinggan ko ang pananampalataya ninyo sa ating Panginoong Jesus at sa pagmamahal ninyo sa lahat ng bayan ng Diyos, 16 hindi ako tumigil na magpasalamat sa Diyos para sa inyo tuwing sinasama ko kaya sa aking mga panalangin. 17 Nananalangin ako sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kaluwalhatian, siya nawa ang magbigay sa inyo ng espiritu ng kaalaman at pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa kanya. 18 Pinapanalangin ko na maliwanagan ang mga mata ng inyong puso at malaman ninyo ang pag-asa ng pagkatawag niya sa inyo at ang kayamanan ng kanyang dakilang ipinamamana sa lahat ng banal na bayan ng Diyos. 19 Sa mga panalangin ko, hinihingi ko sa Diyos na malaman niyo ang walang katulad na kadakilaan ng kanyang kapangyarihan sa ating sumasampalataya ayon sa pagkilos sa lakas ng kaniyang kapangyarihan. 20 Ang kapangyarihang ito ay kumilos kay Cristo noong binuhay siya mula sa mga patay at binigyan siya ng kakayanang umupo sa kanang kamay ng Diyos sa kalangitan. 21 Higit pa siya sa lahat ng pamunuan, pamamahala, at kapangyarihan sa bawat pangalang pinangalanan, hindi lang para sa mundong ito kundi maging sa mundong paparating. 23 22 Pinasailalim ng Diyos ang lahat ng bagay sa paanan ni Cristo at ginawa siyang ulo ng lahat ng mga iglesiya, v 23 bilang kaniyang katawan, ang kapuspusan niya na sumasakop sa lahat ng bagay.