Chapter 1

1 Sa simula pa lamang ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa simula pa lang kasama na ng Diyos ang Salita. 3 Ang lahat ng bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at walang anumang bagay ang hindi nilikha sa pamamagitan niya. 4 Sa kaniya ay may buhay at ang buhay na iyon ang liwanag sa lahat ng tao. 5 Ang liwanag ay nakikita sa kadiliman at hindi ito kayang talunin ng kadiliman. 6 May isang lalaking isinugo ng Diyos at ang pangalan niya ay Juan. 7 Dumating siya bilang saksi upang magpatotoo tungkol sa liwanag para ang lahat ng tao ay maniwala sa pamamagitan niya. 8 Hindi si Juan ang liwanag kundi naparito siya para makapagpatotoo tungkol sa liwanag. 9 Ang Salita ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at siya ang nagbibigay liwanag sa lahat. 10 Naparito siya sa mundo at ang mundo ay nilikha sa pamamagitan niya pero hindi siya kinilala ng mundo. 11 Dumating siya sa kaniyang sariling bayan pero hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan. 12 Ngunit ang sinumang tumanggap sa kaniya, sila na naniwala sa kaniyang pangalan, ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos. 13 Hindi ito sa pamamagitan ng kapanganakan sa dugo at hindi rin sa pamamagitan ng laman, o sa kagustuhan ng tao, kundi sa pamamagitan ng Diyos. 14 Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang tulad ng nasa nag-iisang persona na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan. 15 Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya. Nagpahayag siya at nagsabi, "Siya ang tinutukoy ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'" 16 Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay patuloy na tumanggap ng libreng kaloob. 17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang persona na mismo ay Diyos, na siyang nasa piling ng Ama, ang ipinakilala ni Juan. 21 19 Ngayon ito ang patotoo ni Juan nang ang mga Judio ay nagpadala sa kaniya ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem. Tinanong nila siya, "Sino ka?" 20 Malaya siyang nagsalita at hindi niya ikinaila, ngunit sumagot siya, "Hindi ako ang Cristo." 21Kaya siya ay tinanong nila, "Kung gayon, sino ka ba? Ikaw ba si Elias?" Sumagot siya, "Hindi ako." Sabi nila, "Ikaw ba ang propeta?" Sumagot siya, "Hindi." 22 Pagkatapos nito, sinabi nila sa kaniya, "Sino po ba kayo? Kailangan namin malaman para may sagot kaming maibabalik sa nagpadala sa amin ? Anong masasabi mo tungkol sa iyong sarili?" 23 Sinabi niya, "Ako ang boses ng sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daraanan ng Panginoon,,' gaya ng sinabi ni Propeta Isaias. 24 Sila'y pinadala ng mga Pariseo sa kanya. 25 Tinanong nila siya, "Kung hindi ikaw si Cristo, o si Elias, at hindi rin ang propeta, bakit ka nagbabautismo?" 26 Sumagot si Juan, "Nagbabautismo ako sa tubig. Pero may isa sa inyong nakatayo sa kalagitnaan ninyong hindi ninyo nakikilala. 27 Siya ang susunod sa akin. Hindi ako karapat-dapat para magtanggal kahit ang tali ng kaniyang sandalyas." 28 Nangyari ang mga bagay na ito sa Bethania sa kabilang bahagi nang Jordan, kung saan si Juan ay nagbabautismo. 29 Sa sumunod na araw nakita ni Juan na dumarating si Jesus sa kaniya. At sinabi niya, "Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo! 30 Siya ang tinutukoy ko sa inyo na, 'Ang darating na susunod sa akin ay mas nakakahigit pa, sapagkat siya ay nauna sa akin.' 31 Hindi ko rin siya nakilala nung una, ngunit nangyari ito sa pagbabautismo ko sa tubig para maipakilala siya sa Israel." 32 Nagpapatotoo si Juan, "Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit tulad ng isang kalapati nanatili siya sa kaniya. 33 Hindi ko siya nakilala, ngunit sinabi sa akin ng nagsugo sa akin para magbautismo sa tubig, 'Kung sino man ang makita mong bababaan ng Espiritu, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.' 34 Nakita ko ito at nagpapatotoo akong siya ang Anak ng Diyos. 35 Sa sumunod na araw, habang nakatayo si Juan kasama ang dalawang alagad 36 nakita nila si Jesus na naglalakad malapit sa kanila. At sinabi ni Juan, "Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos!" 37 Narinig ng dalawang alagad ang sinabi ni Juan at sumunod sila kay Jesus. 38 Humarap si Jesus sa kanila at nakita niyang sumusunod sila. At sinabi niya sa kanila, "Anong hinahanap ninyo?" Sumagot sila, "Rabi (na ang ibig sabihin ay Guro), saan po kayo nakatira?" 39 Sinabi niya sa kanila, "Halikayo at tingnan niyo." At sumama sila sa kaniyang tinitirahan at nanatili sila doon ng isang araw dahil halos mag-aalas kuwatro na. 40 Isa sa dalawang nakinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Una niyang nakita ang kaniyang kapatid na si Simon at sinabi niya sa kaniya, "Nakita na namin ang Mesias," (na ang ibig sabihin ay Cristo). 42 Dinala niya si Simon kay Jesus. Si Jesus ay tumingin sa kaniya at sinabi, "Ikaw si Simon anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cepas" (na ang ibig sabihin ay Pedro). 43 Kinabukasan, umalis si Jesus patungong Galilea. Nakita niya roon si Felipe at sinabi sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." 44 Nanggaling si Felipe sa Bethsaida, sa lungsod din nila Andres at Pedro. 45 Nakita ni Felipe si Nathanael at sinabi sa kaniya, "Nakita namin siya na nakasulat sa kaustusan ni Moises at ng mga propeta, si Jesus na taga-Nazaret na anak ni Jose." 48 46 Sumagot si Nathanael, "May mabuti bang taong manggagaling sa Nazaret?" Sinabi ni Felipe sa kaniya, "Halika at tingnan mo." 47 Nakita ni Jesus na lumalapit sa kaniya si Nathanael at sinabihan siya tungkol sa kaniya sarili, "Tingnan ninyo, isa kang tunay na Israelita, na walang panlilinlang." Sinabi sa kaniya ni Nathanael, "Paano niyo po ako nakilala?" Sumagot si Jesus sa kaniya, "Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kitang nasa ilalim ng puno ng igos." 49 Sumagot si Nathanael, "Rabi, ikaw nga ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!" 50 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Dahil ba sa sinabi ko sa iyo, 'Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos', kaya ka naniniwala? Makakakita ka pa ng mga bagay na mas higit pa kaysa diyan." 51 Sinabi ni Jesus, "Totoong totoo ang sinasabi ko sa inyo, makikita mong magbubukas ang mga kalangitan, at ang mga anghel ng Diyos ay umaakyat at bumababa sa kinaroroonan ng Anak ng Tao."