1
Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Diyos, ating tagapagligtas at ni Cristo Jesus na ating pag-asa.
2
Para kay Timoteo, aking tunay na anak sa pananampalataya: sumainyo ang biyaya, awa, kapayapaan mula sa Diyos nating Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
3
Katulad ng payo ko sa iyong gawin mo nang papuntan ako sa Macedonia, manatili ka sa Efeso upang turuan mo ang ilang tao na huwag magturo ng ibang doktrina,
4
Ni at para hindi sila magturo ng mga kwento at mga saling-lahi na hindi matapus-tapos. Nagdudulot lang ang mga ito ng mga pagtatalo sa halip na mapag-aralan ang paghahayag ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.
5
Ngayon ang layunin ng utos na ito ay pag-ibig mula sa isang pusong dalisay, malinis na konsensiya, at tapat na pananampalataya.
6
May ilang sa inyo na lumayo sa katotohanan at nagtuturo ng mga walang kabuluhang pananalita.
7
Gusto nilang maging tagapagturo ng kautusan, pero hindi nila naiintindihan ang kanilang sinasabi o gustong ipahiwatig.
8
Ngunit alam nating makakabuti ang kautusan kung gagamitin niyo ito nang naaayon sa kautusan.
9
Alam nating ang ang kautusan ay hindi ginawa para sa mga namumuhay nang matuwid, kundi sa walang kinikilalang batas, mga matitigas ang puso, sa mga walang paggalang sa Diyos at makasalanan, sa mga taong pumapatay ng kanilang ama at ina, at sa mga mamamatay-tao,
10
sa mga taong mahalay, sa mga nakikipagtalik sa kapwa nila lalake o kapwa babae, sa mga nangunguha ng tao para gawin nilang alipin, para sa mga sinungaling, para sa mga nagpapanggap na saksi, at sinumang nagtuturo ng aral na laban sa mabuting aral,
11
ayon sa ebangelyo ng dakila at mapagpalang Diyos na ipinagkatiwala sa akin.
12
Nagpapasalamat ako sa kanyang nagbigay sa akin ng kakayahang ito at kay Cristo Jesus na ating Panginoon, dahil itinuturing niya akong tapat at pinili ako sa paglilingkod,
13
kahit na nagsasalit ako noon laban sa Diyos at umuusig sa iba. Pero tumanggap ako ng awa ng Diyos dahil hindi ko pa alam noon ang mali kong ginagawa.
14
Ngunit sumagana ang biyaya ng ating Panginoon na may kasamang katapatan at pag-ibig mula kay Cristo Jesus.
15
Mapagkakatiwalaan ang mensaheng ito at nararapat na tanggapin ng lahat, na dumating si Cristo Jesus sa mundo para iligtas ang mga makasalanan. Ako nga ang pinakamasama sa mga ito.
16
Dahil dito, tumanggap ako ng awa mula kay Jesu-Cristo para ipapakita niya ang matindi niyang pagtitiyaga para magsilbi akong halimbawa sa mga nagtitiwala sa kaniya para sa buhay na walang hanggan.
17
Sa kanya na hari ng magpakailanman at walang kamatayan, sa nag-iisang Diyos, sa kaniya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailanpaman. Amen.
18
Ipinagkakatiwala ko sa iyo, anak kong Timoteo, ayon sa mga propesiya na nagbigay ng daan para sa iyo upang ipaglaban mo ang mabuting pakikipaglaban,
19
panghawakan mo ang pananampalataya nang may malinis na konsensiya. May ilan sa kanila na hindi pinahalagahan ito at pinabayaan ang pananampalataya gaya ng paglubog na barko.
20
Kasama sa kanila sina Himeneo at Alejandro, mga taong pinagkatiwala ko kay Satanas para pigilan silang lumapastangan sa Diyos.