3 1 Ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas sa pangalawang pagkakataon, na nagsasabing, 2 "Tumindig ka, pumunta ka sa Ninive, iyong malaking lungsod, at ipahayag dito ang mensaheng iniutos ko sa iyo para ibigay." 3 Kaya tumayo si Jonas at pumunta sa Ninive bilang pagsunod sa salita ni Yahweh. Ngayon ang Nineve ay isang napakalaking lungsod, isang lungsod na may tatlong araw na paglalakbay. 4 Si Jonas ay pumasok sa lungsod at pagtapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya at sinabing, "Sa loob ng apatnapung araw ang Ninive ay ibabagsak." 5 Ang mga tao sa Ninive ay naniwala sa Diyos at nagpahayag sila ng isang pag-aayuno. Nagsuot ang lahat ng damit sako, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakamababa sa kanila. 6 Mabilis na nakarating ang balita sa hari ng Ninive. Sya ay Tumayo mula sa kaniyang trono, hinubad ang kaniyang balabal, sya ay nagbihis ng damit sako at umupo sa mga abo. 7 Nagpadala siya ng isang utos na nagsasabing, "Sa Ninive, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hari at kanyang mga tauhang maharlika, huwag hayaan ang sinuman o hayop, grupo ng mga hayop o kawan, ang tumikim ng anuman. Huwag silang hayaang kumain ni uminom ng tubig. 8 Ngunit lahat ng mga tao at hayop ay magbihis ng Damit sako at hayaan silang magmakaawa sa Diyos. Hayaan ang bawat isa na magsisi sa kanilang masamang gawa at mula sa karahasang kanilang nagawa. 9 Sinong nakakaalam? Maaring mahabag ang Diyos at mabago ang kanyang isip at tumalikod mula sa kanyang mabangis na galit upang hindi tayo mamatay." 10 Nakita ng Diyos kung ano ang kanilang ginawa, na tumalikod sila mula sa kanilang masasamang mga gawi. Kung kaya binago ng Diyos ang kanyang isipan tungkol sa parusang sinabi niyang gagawin niya sa kanila, at hindi niya ginawa ito.