16
1
Pagkatapos mamatay ng dalawang anak na lalaki ni Aaron, nung lumapit sila kay Yahweh at namatay, nagsalita si Yahweh kay Moises.
2
Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Kausapin mo si Aaron na iyong kapatid at sabihin na huwag siyang pumunta kahit anong oras patungo sa loob ng Pinakabanal na lugar sa loob ng kurtina, sa harapan ng takip na luklukan ng awa na nasa kaban. Kapag ginawa niya, mamamatay siya, sapagkat magpapakita ako sa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa.
3
Kaya ganito dapat pumunta si Aaron sa loob ng Pinakabanal na lugar. Dapat siyang pumasok na may dalang isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
4
Dapat siyang magsuot ng banal na linong balabal, at dapat siyang magsuot ng linong mga damit panloob, at dapat siyang magsuot ng linong sinturon at linong turban. Ito ang mga banal na damit. Dapat siya munang maligo ng tubig at suotin nya ang mga damit na ito.
5
Kukuha sya ng dalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang handog na susunugin mula sa kapulungan ng bayan ng Israel.
6
Tapos, Ihahandog ni Aaron ang toro bilang handog para sa kasalanan nya na pambayad sa kanyang kasalanan at para sa kanyang sambahayan.
7
Pagkatapos ay kukunin nya ang dalawang kambing at ilalagay nya ang mga ito sa harapan ng Panginoon sa pintuan ng tolda ng tipanan.
8
Tapos, magpapalabunutan si Aaron para sa dalawang kambing, ang isang mabubunot ay para sa Panginoon, at ang isa naman ay para sa pagbubuntunan ng sisi.
9
Kukunin ni Aaron ang kambing na nabunot para sa Panginoon, at iaalay bilang handog para sa kasalanan.
10
Ngunit ang kambing na nabunot para pagbuntunan ng sisi ay papakawalan ng buhay sa ilang. Ito ay magiging kabayaran ng kasalanan para sa Panginoon.
11
Tapos, kukunin ni Aaron ang toro bilang handog para sa kasalanan. Iaalay nya ito bilang kabayaran para sa kanyang kasalanan at para sa kanyang sambahayan.
12
Kukuha si Aaron ng isang lalagyan ng insenso na puno ng mga nagbabagang uling mula sa altar ng Panginoon. Magdadala rin sya ng dalawang dakot na dinurog na mabangong insenso. Dadalhin nya ang mga ito sa loob ng tabing.
13
Ilalagay niya ang insenso sa apoy sa harapan ng Panginoon para ang mga usok nito ay tumakip sa luklukan ng awa na nasa ibabaw ng patotoo. Gagawin nya ito para hindi siya mamatay.
14
Tapos kukuha sya ng konting dugo ng toro at iwiwisik nya ito gamit ang kanyang daliri sa harapan ng takip ng luklukan ng awa. Iwiwisik nya ang konting dugo gamit ang kanyang daliri ng pitong beses sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
15
Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo ng kambing ang gaya ng ginawa niya sa dugo ng toro. Iwiwisik nya ang dugo sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harapan ng luklukan ng awa.
16
Dapat gumawa siya ng pambayad sa kasalanan para sa Banal na lugar dahil sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel, at dahil sa kanilang paghihimagsik at lahat ng kanilang mga kasalanan. Dapat din niyang gawin ito para sa tolda ng pagpupulong, kung saan namumuhay si Yahweh sa kanilang kalagitnaan, sa harap ng kanilang maruruming mga gawain.
17
Walang sinuman ang dapat nasa loob ng tolda ng pagpupulong kapag papasok si Aaron upang gumawa ng pambayad kasalanan sa pinakabanal na lugar, at hanggang sa lumabas siya at matapos ang paggawa ng pambayad kasalanan sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya, at para sa lahat ng kapulungan ng Israel.
18
Dapat siyang lumabas sa altar na nasa harapan ni Yahweh at gawin ang pambayad kasalanan para dito, at dapat siyang kumuha ng kaunting dugo ng toro at kaunting dugo ng kambing at ilagay ito sa mga sungay ng altar sa lahat ng palibot.
19
Dapat niyang wisikan ng kaunting dugo ang ibabaw nito gamit ang kanyang daliri ng pitong beses upang malinisan ito at maialay ito kay Yahweh, palayo mula sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel.
20
Kapag natapos na niya ang pagbabayad kasalanan para sa pinakabanal na lugar, ang tolda ng pagpupulong, ang altar, dapat niyang ipakita ang buhay na kambing.
21
Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.
22
Dapat dalhing mag-isa ng kambing ang kasalanan ng mga tao patungo sa isang liblib na lugar. Doon sa ilang, dapat pakawalan ng tao ang kambing.
23
Pagkatapos ay dapat bumalik si Aaron sa tolda ng pagpupulong at hubarin ang linong mga damit na kanyang isinuot bago pumunta sa pinaka banal na lugar, at kailangan niyang iwanan ang mga damit na iyon doon.
24
Kailangan niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig sa isang banal na lugar, at magbihis ng kanyang pangkaraniwang kasuotan; pagkatapos ay kailangan niyang lumabas at ialay ang kanyang handog na susunugin at ang handog na susunugin para sa mga tao, at sa ganitong paraan ay makagawa ng pambayad kasalanan sa kanyang sarili at para sa mga tao.
25
Dapat niyang sunugin ang taba ng handog ng kasalanan sa altar.
26
Ang lalaking nagpalaya sa kambing na pakakawalan ay kailangang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon, maaari na siyang bumalik sa kampo.
27
Ang toro para sa handog sa kasalanan at ang kambing para sa handog ng kasalanan, na ang dugo nito ay dinala sa loob para gawing pambayad kasalanan sa banal na lugar, ay dapat dalhin sa labas ng kampo. Doon kailangan nilang sunugin ang kanilang mga balat, laman, at dumi nito.
28
Kailangang labhan ng taong nagsunog ng mga bahaging iyon ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon; maaari na siyang bumalik sa kampo.
29
Palaging magiging isang tuntunin ito para sa inyo na sa ikapitong buwan, sa ikasampung araw ng buwan, dapat niyong magpakumbaba at walang gagawing trabaho, maski isang katutubo o isang dayuhan na namumuhay sa inyo.
30
Dahil ang araw na ito ang pambayad kasalanan na gagawin para sa inyo, para kayo ay malinisan mula sa lahat ng inyong mga kasalanan nang sa gayon kayo ay maging malinis sa harapan ni Yahweh.
31
Ito ay isang dakilang Araw ng Pamamahinga para sa inyo, at kailangan ninyong magpakumbaba sa inyong mga sarili at walang gagawing trabaho. Ito ay palaging magiging isang tuntunin sa inyo.
32
Ang punong pari, ang isang papahiran at itatalagang maging punong pari sa lugar ng kanyang ama, ay kailangang gawin ang pambayad kasalanan nito at isusuot ang linong mga damit, iyon ay, ang banal na mga damit.
33
Kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa pinaka banal na lugar; kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa tolda ng pagpupulong at para sa altar, at kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa mga pari at para sa lahat ng mga tao ng kapulungan.
34
Ito ay palaging magiging isang tuntunin para sa inyo, para gawing pambayad kasalanan para sa mga tao ng Israel ng dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, isang beses sa bawat taon." At ginawa ito gaya ng utos ni Yahweh kay Moises.