Chapter 15

1 Sa ating mga malakas, dapat nating tulungan ang kalagayan ng mga nanghihina at huwag para sa sariling pakinabang. 2 Dapat nating pagpalain ang ating kapatid sa ikabubuti niya para palakasin sila. 3 Hindi rin nais ni Cristo na papurihan ang Kaniyang sarili ayon sa nasusulat, "Ang panlalait ng mga umuusig sa inyo ay panlalait laban sa akin." 4 Anumang nakasulat sa mga unang panahon ay para turuan tayo na sa pamamagitan ng pagtitiis at panghihikayat ng kasulatan para magkaroon tayo ng pag-asa. 5 Tanggapin niyo nawa ang pagtitiis at kaaliwan ng Diyos para magkaroon kayo ng iisang kaisapan na ayon kay Cristo Jesus. 6 Na sa iisang diwa, magkaroon kayo ng iisang tinig na nagpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 7 Kaya tanggapin ninyo ang isa't isa gaya ng pagtanggap din sa inyo ni Cristo, para sa kaluwalhatian ng Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo na si Cristo ang lingkod ng mga tinuli para sa katotohanan ng Diyos upang magpatotoo Siya sa mga pangako na ibinigay sa kanilang mga ninuno, 9 at para magpuri sa Diyos ang mga Gentil dahil sa kaniyang awa. Ayon sa nasusulat, "Kaya papupurihan kita sa harapan ng mga Gentil at aawitan ko ang pangalan mo." 10 At muli sinasabi niya, "Magalak kayong mga Gentil kasama ang kaniyang bayan." 11 At sinabi niya uli, "Purihin ang Panginoon, kayong mga Gentil. At lahat ng mga bansa ay magpuri sa kaniya." 12 Sinasabi rin ni Isaias, "Magkakaroon ng isang ugat ni Jesse at lilitaw siya upang pamunuan ang mga Gentil. Sa kaniya, magkakaroon ng pag-asa ang mga Gentil." 13 Nawa'y punuin kayo ng Diyos ng kaniyang kagalakan at kapayapaan sa inyong paniniwala upang lumaganap ang inyong pag-asa sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. 14 Nakakasiguro rin ako, mga kapatid, na kayo rin ay napuno ng kaniyang kabutihan, puno ng kaalaman, at kakayanan para payuhan ninyo ang isa't isa. 15 Ngunit matapang kong sinulatan kayo tungkol sa iilang bagay para paalalahanan kayo dahil sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin. 16 Itinalaga ako ni Cristo Jesus na maglingkod sa mga Gentil para ipahayag ang ebanghelyo ng Diyos ma maging katanggap-tanggap ang mga handog ng mga Gentil habang pinagiging-banal sila ng Banal na Espiritu. 17 Para kay Cristo Jesus, may dahilan akong magalak sa aking ginagawa para sa Diyos. 18 Wala akong balak na magsalita ng anuman maliban sa ginawa ni Cristo sa akin para dalhin sa pagsunod ang mga Gentil, sa salita at sa gawa. 19 Sa kapangyarihan ng mga tanda at mga himala, sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, para puspusan kong naipangaral ang ebanghelyo ni Cristo mula Jerusalem hanggang sa Ilirico. 20 Kaya hangad kong maipahayag ang ebanghelyo sa mga lugar na hindi pa kilala ang pangalan ni Cristo para hindi ako magtayo sa pundasyon ng iba. 21 Gaya ng nasusulat, "Makikita nila, silang walang nagdala ng balita; at sa hindi nakapakinig, sila'y makakaunawa." 22 Ito ang dahilan kung bakit ako laging nahahadlangang makarating sa inyo. 23 Ngayong wala na akong dapat gawin sa mga lugar na ito, gustong kong makarating sa inyo na binalak ko ilang taon nang lumipas. 24 Kung papunta ako sa Espanya, umaasa akong makita kayo sa aking pagdaan at matulungan ninyo ako sa aking paglalakbay sa inyo pagkatapos na tayo ay magsaya sa ating pagkikita kahit saglit lang. 25 Ngayon, patungo ako sa Jerusalem para tulungan ang mga mananampalataya. 26 Masayang nagpaabot ng tulong ang mga taga-Macedonia at taga-Acaya para tulungan ang mahihirap na mananampalataya sa Jerusalem. 27 Oo, masaya nilang ginawa ito dahil may utang na loob sila sa kanila. Dahil kung ang mga Gentil ay naging kabahagi sila sa mga espirituwal na bagay, utang nila ito sa kanila para makapagbahagi ng mga materyal na pagpapala. 28 Kapag matapos ko ito at maselyuhan para sa kanila ang bungang ito, dadaanan ko kayo pag pupunta ko sa Espanya. 29 Alam ko na pagpunta ko sa inyo, pupunta ako taglay ang buong pagpapala ni Cristo. 30 Kaya nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, at sa pagmamahal ng Espiritu, sikapin ninyong magsama-samang manalangin sa Diyos at para sa akin 31 na mailigtas ako mula sa aking mga kaaway sa Judea at para maging katanggap-tanggap ang aking paglilingkod sa mga mananampalataya sa Jerusalem. 32 Para maayos akong makakarating sa inyo ayon sa kalooban ng Diyos at sama-sama tayong tatanggap ng kapahingahan. 33 Nawa'y sumainyong lahat ang kapayapaan ng Diyos. Amen.