Chapter 14

1 Tanggapin niyo ang sinumang mahina sa pananampalataya at hindi para magtalo kayo sa iba't ibang opinyon. 2 May isang taong naniniwala na pwede siyang kumain ng kahit na ano pero meron din taong mahina ang pananampalataya kaya gulay lang ang kinakain niya. 3 Huwag sanang pintasan ng taong kumakain ng karne ang taong hindi kumakain ng karne. Huwag din sanang husgahan ng mga kumakain ng karne ang mga hindi kumakain ng karne sapagkat tinanggap siya ng Diyos. 4 Sino ka para husgahan mo ang naglilingkod sa ibang amo? Mananagot siya sa kaniyang amo kung siya ay makatatayo o babagsak. Ngunit makakatayo siya dahil tutulungan siya ng Diyos na makatayo. 5 May taong ituturing na may mahahalagang araw kaysa sa iba pang mga araw. Mayroon ding tao tinuturing na pare-pareho lang ang mga araw. Dapat tiyakin ng bawat isa ang kanilang pinaniniwalaan. 6 Sa taong nagpapahalaga sa mga araw, ginagawa niya ito para sa Panginoon nang may pasasalamat. At ang taong kumakain ng karne ay kumakain nang may pasasalamat, ngunit sa taong hindi kumakain ng karne, ginagawa niya rin ito para sa Panginoon nang may pasasalamat. 7 Sapagkat walang sinuman sa ating nabubuhay para sa sarili lamang at walang sinumang namamatay para sa sarili lamang. 8 Habang tayo'y nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon. Kung mamatay man tayo, namatay tayo para sa Panginoon Kaya kung mabubuhay man tayo o mamamatay, tayo ay sa Panginoon. 9 Sa kadahilanang ito kaya namatay at nabuhay na muli si Cristo para Siya ang maging Panginoon ng mga patay at ng mga buhay. 11 10 Ngunit bakit mo hinahatulang ang iyong kapatid? Bakit mo pinipintasan ang iyong kapatid? Lahat tayo ay haharap sa hukuman ng DIyos. v 11 Sapagkat nasusulat, "Habang ako'y nabubuhay, sinabi ng Panginoon, ang lahat ng tuhod ay luluhod at lahat ng labi'y magpapahayag sa Diyos." 12 Mananagot tayong lahat sa Diyos ayon sa ating mga gawa. 13 Kaya huwag nating hahatulan ang bawat isa. Huwag ninyong bibigyan ng daan na magkasala o lagyan ng balakid ang iyong kapatid. 14 Nalalaman ko at aking napatunayan ang aking Panginoon Jesus na walang bagay na likas na marumi. Pero sa taong maruming mag-isip, nagiging marumi ang lahat ng bagay sa kaniya. 15 Kung mayroon kang kapatid na masasaktan sa iyo dahil sa kinain mong karne, hindi ka lumalakad nang may pag-ibig. 16 Huwag mong hayaan na ang bagay na itinuturing mong mabuti ay ituturing ng iba na masama, 17 Ang kaharian ng Diyos ay hindi nakabatay sa kung anong iinumin mo at kakainin kundi ito'y tungkol sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan sa Banal na Espiritu. 18 Sinumang maglilingkod kay Cristo ay kaaya-aya sa Diyos at katanggap-tanggap sa mga tao. 19 Kaya pagsikapan natin na gawin ang daan para sa kapayapaan at para sa pagpapatibay sa bawat isa, 20 Huwag ninyong sirain ang gawain ng Diyos dahil lamang sa pagkain ng karne. Malinis ang lahat ng bagay pero nagiging marumi ito kung kakain ang tao para saktan ang kaniyang kapwa. 21 Mas mabuti na hindi kakain ng karne, o iinom ng alak, o gagawa ng anumang bagay na magiging sanhi ng pagkasala ng iyong kapatid. 22 Ipagkatiwala mo ang pananampalataya mo na Diyos lang ang nakakaalam. 23 Mapalad ang taong hindi hinahatulan ang kaniyang sarili sa mga bagay na kaniyang sinasang-ayunan.