1
Ngunit naghinanakit si Jonas, at nagalit siya nang labis.
2
Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, "A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.
3
Kaya ngayon, Yahweh, nagmamakaawa ako, kunin mo ang aking buhay, dahil higit na mabuti para akin ang mamatay kaysa sa mabuhay."
4
Sinabi ni Yahweh, "Mabuti bang ikaw ay lubos na magalit?"
5
Pagkatapos lumabas si Jonas mula sa lungsod at umupo sa dakong silangang bahagi ng lungsod. Doon gumawa siya ng silungan at umupo sa ilalim nito sa lilim upang makita niya kung ano ang maaaring mangyari sa lungsod.
6
Naghanda ang Diyos na si Yahweh ng isang halaman at pinatubo niya ito sa ibabaw ng ulo ni Jonas para maging lilim sa ibabaw ng ulo niya para mapagaan ang kanyang pagkabalisa. Labis na natuwa si Jonas nang dahil sa halaman.
7
Ngunit kinabukasan sa pagsikat ng araw naghanda ang Diyos ng isang uod. Sinalakay nito ang halaman at nalanta ang halaman.
8
Nung sumikat ang araw kinabukasan, may pinaihip ang Diyos na mainit na hangin galing sa silangan. Tumapat din ang init ng araw sa ulo ni Jonas kaya nahilo siya. Gusto na lang ni Jonas na mamatay. Sinabi ni Jonas sa kanyang sarili, "Mas mabuti pang mamatay kaysa mabuhay."
9
Sinabi ng Diyos kay Jonas, "Dapat ka bang magalit dahil sa halaman? Sinabi ni Jonas, "Opo, dapat lang na magalit ako, kahit mamatay pa ako."
10
Sinabi ni Yahweh, "Naawa ka sa halaman na hindi mo naman pinaghirapan o pinalago. Tumubo ito sa isang gabi at namatay sa isang gabi.
11
Kaya akong tatanungin, hindi ba dapat maawa ako sa Ninive, ang malaking lungsod na iyon, kung saan mas marami pa sa isandaan at dalawampung libong tao ang hindi alam ang pinagkaiba ng kanang kamay sa kaliwa, at may napakaraming hayop?"