1
/v 1 Ang Pangitain ni Obadias. Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh tungkol sa Edom: Narinig namin ang mensahe mula kay Yahweh at isang sugo ang ipinadala sa mga bansa, at sinabi niya, "Tumayo kayo! Tumayo tayo laban sa kaniya para sa labanan!"
2
Tingnan mo, gagawin kitang maliit sa lahat ng mga bansa, ikaw ay hahamakin.
3
Niloko ka ng iyong pagmamalaki, nagtiwala ka sa sarili mong kayamanan at kakayahan, at sinasabi mo, "Sino ang makapagpapabagsak sa akin?
4
Kahit na sa tingin mo ay nakapakataas ng iyong kalagayan ng iyong buhay, ibababa kita mula roon sabi ni Yahweh.
5
Kung ang mga magnanakaw ay pumunta sa iyo, kung ang masama ang loob ay nagpunta ng gabi, paano ka mawawasak? Hindi ba nanakawin lamang nila ang sapat para sa kanilang mga sarili? Kung pumunta sa iyo ang mga mag-aani ng ubas, hindi ba iiwan nila ang mga nalaglag?
6
Paano nalooban si Esau at nanakaw ang kaniyang nakatagong yaman?
7
Ang lahat ng kalalakihan na iyong kaanib ay ipadadala ka sa daan patungo sa hangganan. Lilinlangin ka ng mga taong kasundo mo at mananaig laban sa iyo. Silang mga kumain ng iyong tinapay ang maglalagay ng bitag sa ilalim mo. Walang pang-unawa sa kaniya.
8
Ito ang pahayag ni Yahweh, "Hindi ba sa araw na iyon, wawasakin ko ang mga matatalinong kalalakihan mula sa Edom, at aalisin ang kaalaman sa bundok ng Esau?
9
At hihina ang loob ng malalakas mong tauhan, Teman. Kaya malupit na kamatayan ang dadanasin ng bawat isa sa kanila sa bundok ng Edom.
10
Matatakpan ka ng kahihiyan at mapapahiwalay kailanman, dahil sa karahasang ginawa mo sa iyong kapatid na si Jacob.
11
Sa araw na tumayo ka sa malayo, sa araw na kinuha ng mga dayuhan ang kaniyang ari-arian, at pinasok ng mga dayuhan ang kaniyang mga pintuan ng bakuran, at nagbabaka-sakali sila sa Jerusalem, naging katulad ka nila.
12
Ngunit huwag mong tuyain ang iyong kapatid sa araw ng kaniyang kabiguan. Huwag mong tuyain ang mga tao ng Juda sa araw ng kaniyang pagbagsak. Huwag magyabang sa araw ng kanilang paghihirap.
13
Huwag kang pumasok sa pintuan ng bakod ng bayan ko sa araw ng kanilang kapahamakan. Huwag mong nakawin ang kayamanan nila sa araw ng kanilang pagkawasak.
14
Huwag kang tumayo sa sangang-daan, para pigilan ang kaniyang mga bihag. Huwag mong isuko ang mga nakaligtas sa araw ng kanilang pagkabalisa.
15
Sapagkat ang araw ni Yahweh ay malapit na sa lahat ng mga bansa. Anuman ang iyong ginawa ay gagawin din sa iyo, at lahat ng iyong ginawa ay babalik sa yo.
16
Sapagkat kung paano kayo uminom sa aking banal na bundok, ganoon din, patuloy na iinom ang lahat ng bansa. Iinom sila at lulunok, at para bang hindi sila nabuhay.
17
Ngunit sa Bundok ng Zion ay mayroong mga nakatakas, at iyon ay magiging banal ito, at kukunin muli ng sambahayan ni Jacob ang kanilang pagmamay-ari.
18
Magiging isang apoy ang sambahayan ni Jacob, at ang magiging pinaggapasan ang sambahayan ni Esau. Susunugin nila siya, at sila'y tutupukin. At walang makaliligtas sa sambahayan ni Esau, dahil sinabi ito ni Yahweh.
19
Ang mga taga-Negeb ay aariin ang bulubundukin ng Esau, at ang mga tao sa kapatagan ay aariin ang mga lupain ng mga Filisteo. Aariin nila ang lupain ng Efraim, at ang lupain ng Samaria, at aariin ng Benjamin ang Gilead.
20
Aariin ng mga ipinatapong hukbo ng Israel ang lupain ng Canaan hanggang sa Zarefat. Ang mga ipinatapon na taga-Jerusalem, na nasa Sefarad, ay aariin ang mga siyudad ng Negeb.
21
Aakyat sa bundok ng Zion ang mga tagapagligtas upang mamahala sa bulubunduking bansa ni Esau, at ang kaharian ay mapapabilang kay Yahweh.