1
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico at sinabi,
2
"Utusan mo ang mga tao ng Israel na magbigay ng ilan sa kanilang mga bahagi ng lupain sa mga Levita. Dapat nila silang bigyan ng mga lungsod upang tirahan at lupaing pastulan sa palibot ng mga lungsod na iyon.
3
Kukunin ng mga Levita ang mga lungsod na ito para panahanan. Ang lupaing pastulan ay magiging para sa kanilang mga baka, sa kanilang mga kawan, at sa lahat ng kanilang mga hayop.
4
Ang mga lupaing pastulan sa palibot ng mga lungsod na inyong ibibigay sa mga Levita ay dapat isang libong kubit sa bawat panig mula sa mga pader ng lungsod.
5
Dapat kang sumukat ng dalawang libong kubit mula sa labas ng lungsod sa silangang bahagi, at dalawang libong kubit sa timugang bahagi, at dalawang libong kubit sa kanlurang bahagi, at dalawang libong kubit sa hilagang bahagi. Ito ang magiging lupaing pastulan para sa kanilang mga lungsod. Ang mga lungsod ay magiging nasa gitna.
6
Anim sa mga lungsod na iyong ibibigay sa mga Levita ay dapat magsilbing mga lungsod ng kanlungan. Dapat mong ilaan ang mga ito bilang mga lugar na maaaring matakasan ng mga akusadong mamamatay-tao. Maglaan ka rin ng ibang apatnapu't dalawang lungsod.
7
Ang mga lungsod na ibibigay mo sa mga Levita ay may kabuuang apatnapu't walo. Dapat mong ibigay ang kanilang mga lupaing pastulan kasama ng mga ito.
8
Ang mga malalaking tribu ng mga tao ng Israel, ang mga tribu na may maraming lupain, ang dapat magbigay ng maraming lungsod. Ang mga tribu na mas maliit ay magbibigay ng kaunting lungsod. Bawat tribu ay dapat magbigay para sa mga Levita ayon sa bahaging natanggap nito."
9
Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
10
"Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag tumawid kayo sa Jordan patungo sa lupain ng Canaan,
11
dapat kayong pumili ng mga lungsod na magsisilbing mga lungsod ng kublihan para sa inyo, upang sinumang tao ang makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya ay maaaring tumakas sa mga ito.
12
Ang mga lungsod na ito ang dapat magiging inyong kublihan mula sa tagapaghiganti, upang ang akusadong tao ay hindi mapapatay na walang unang paglilitis sa harap ng sambayanan.
13
Dapat kayong pumili ng anim na lungsod bilang mga lungsod ng kublihan.
14
Dapat kayong magbigay ng tatlong lungsod sa labas ng Jordan at tatlo sa lupain ng Canaan. Ang mga ito ang magiging mga lungsod ng kublihan.
15
Para sa mga tao ng Israel, para sa mga dayuhan, para sa sinumang naninirahan sa piling ninyo, ang anim na lungsod na ito ay magsisilbing isang kublihan na maaaring matakasan ng sinumang makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya.
16
Subalit kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang kasangkapang bakal, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
17
Kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang bato sa kanyang kamay na maaaring makapatay sa biktima, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
18
Kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang sandatang kahoy na maaaring makapatay sa biktima, at kung mamamatay ang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
19
Ang kadugong tagapaghiganti ay maaari niyang patayin ang isang mamamatay-tao. Kapag makatagpo siya, maaari niyang patayin.
20
At kung pagbuhatan ng kamay ng isang akusadong tao ang sinuman sa galit o maghagis ng isang bagay sa kaniya, habang nagtatago upang tambangan siya, para mamatay ang biktima,
21
o kung hinampas siya sa galit gamit ang kaniyang kamay upang mamatay ang biktima, ang akusadong humampas sa kaniya ay tiyak na papatayin. Isang siyang mamamatay-tao. Ang kadugong tagapaghiganti ay maaaring patayin ang mamamatay-tao kapag siya ay makasalubong niya.
22
Subalit kung biglang pinalo ng isang akusadong tao ang isang biktima nang walang galit o maghagis ng isang bagay na makatama sa biktima nang hindi inaasahan
23
o kung maghahagis ng bato na makakapatay sa isang biktima nang hindi nakikita ang biktima, ang akusado ay hindi kaaway ng biktima, hindi niya sinasadyang saktan ang biktima. Gayon pa man, kung mamamatay ang biktima,
24
sa ganoong kalagayan, dapat maghusga ang sambayanan sa pagitan ng inaakusahan at ng kadugong tagapaghiganti sa batayan ng mga batas na ito.
25
Dapat iligtas ng sambayanan ang inaakusahan mula sa kapangyarihan ng kadugong tagapaghiganti. Dapat ibalik ng sambayanan ang inaakusahan sa lungsod ng kublihan kung saan siya dating tumakas. Dapat siyang mamuhay doon hanggang sa mamatay ang kasalukuyang pinakapunong pari, ang siyang pinahiran ng banal na langis.
26
Subalit kung pumunta ang akusadong tao sa anumang oras sa lampas ng hangganan ng lungsod ng kublihan kung saan siya tumakas,
27
at kung makita siya ng kadugong tagapaghiganti sa labas ng hangganan ng kaniyang lungsod ng kublihan, at kung mapatay niya ang akusadong tao, ang kadugong tagapaghiganti ay hindi magkakasala ng pagpatay.
28
Ito ay dahil ang akusadong tao ay dapat nanatili sa kaniyang lungsod ng kublihan hanggang sa mamatay ang pinakapunong pari. Pagkatapos ng kamatayan ng pinakapunong pari, ang akusadong tao ay maaaring bumalik sa lupain kung saan ang kaniyang sariling ari-arian.
29
Ang mga batas na ito ay dapat maging mga kautusan para sa inyo sa buong salinlahi ng mga tao sa lahat ng lugar kung saan kayo nakatira.
30
Kung sinuman ang pumatay ng sinumang tao, dapat patayin ang mamamatay-tao, ayon sa patotoo sa pamamagitan ng mga salita ng mga saksi. Ngunit ang salita ng isang saksi lamang ay hindi magdudulot sa sinumang tao upang patayin.
31
Gayundin, dapat huwag kayong tumanggap ng pantubos para sa buhay ng isang mamamatay-tao na nagkasala ng pagpatay. Dapat tiyakin siyang patayin.
32
At dapat huwag kayong tumanggap ng pantubos para sa isang tumakas papunta sa lungsod ng kublihan. Dapat huwag ninyong gagawin ang ganitong pamamaraan, pahintulutan siyang tumira sa kaniyang sariling ari-arian hanggang sa mamatay ang pinakapunong pari.
33
Huwag ninyong dumihan sa ganitong pamamaraan ang lupain kung saan kayo namumuhay, dahil ang dugo mula sa pinatay ay dinudumihan ang lupain. Walang pambayad kasalanan ang maaaring gawin sa lupain kapag ang dugo ay dumanak dito, maliban sa pamamagitan ng dugo ng isang dumanak dito.
34
Kaya dapat huwag ninyong dungisan ang lupaing inyong pinamumuhayan dahil ako ay namumuhay dito. Akong si Yahweh ay namumuhay kasama ng mga tao ng Israel.'"