1
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa tolda ng tipanan sa ilang ng Sinai. Nangyari ito sa unang araw ng ikalawang buwan sa ikalawang taon pagkatapos na lumabas ang bayan ng Israel mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi ni Yahweh,
2
"Gumawa ka ng census para bilanging ang buong kapulungan ng mga lalaki sa Israel ayon sa kanilang angkan, at mga tribong kinabibilangan. Bilangin mo sila ayon sa kanilang mga pangalan. Bilangin mo ang bawat isa sa mga lalaki
3
na may dalawampung taong gulang pataas. Bilangin mo ang lahat ng may kakayanang makipaglaban para sa kawal ng Israel. Kayo ni Aaron ang magtatala ng bilang nga mga lalaki ayon sa kanilang pangkat ng pandigma.
4
Pumili ka ng isang lalaki mula sa bawat tribu, isang mamumuno sa angkan na maglilingkod sa iyo bilang pinuno ng tribo. Dapat pangunahan ng bawat pinuno ang mga kalalakihang makikipaglaban para sa kanilang tribo.
5
Ito ang mga pangalan ng mga pinunong sasamang makipaglaban sa iyo: Mula sa tribo ni Ruben, si Elizur na anak ni Sedeur;
6
sa tribo ni Simeon, si Selumiel na anak ni Zurisaddai;
7
mula sa tribo ni Juda, si Naason na anak ni Aminadab;
8
mula sa tribo ni Isacar, si Natanael na anak ni Zuar;
9
mula sa tribo ni Zebulon, si Eliab na anak ni Helon;
10
mula sa tribo ni Efraim na anak ni Jose ay si Elisama na anak ni Ammiud; mula sa tribo ni Manases, si Gamaliel na anak ni Pedasur;
11
mula sa tribo ni Benjamin na anak ni Jose ay si Abidan na anak ni Gideon;
12
mula sa tribo ni Dan, si Ahiezer ni Ammisaddai;
13
mula sa tribo ni Aser, si Pagiel na anak ni Okran;
14
mula sa tribo ni Gad, si Eliasaf na anak ni Deuel;
15
at mula sa tribo ni Neftali, si Ahira na anak ni Enan.
16
Ito ang mga lalaking pinili mula sa kanilang bayan. Pinangunahan nila ang mga tribo ng kanilang mga ninuno. Sila ang mga pinuno ng mga angkan sa Israel.
17
Kinuha ni Moises at Aaron ang mga lalaking ito na nakatala ang mga pangalan,
18
at tinipon nila ang buong kapulungan sa unang araw ng ikalawang buwan. Nakalista ang mga pangalan ng mga lalaking may dalawampung taong gulang at pataas ayon sa kanilang tribong kinabibilangan. Isa-isang pinangalangan ang mga lalaki.
19
Itinala ni Moises ang kanilang mga bilang sa ilang ng Sinai, tulad ng inuutos sa kaniya ni Yahweh.
20
Mula sa salinglahi ni Ruben, ang panganay na anak ni Israel, nakasulat sa kanilang talaan ang mga pangalan ng mga lalaking may dalawampung taon at higit pa, na may kakayanang makipaglaban ayon sa kanilang angkan, at mga ninuno.
21
Umabot sa 46,500 ang bilang ng mga lalaki sa tribo ni Ruben.
22
Mula sa salinglahi ni Simeon, na nakasulat sa kanilang talaan, ayon sa kanilang angkan at mga ninuno, ang mga pangalan ng mga lalaking may dalawampung taon at higit pa, na may kakayanang makipaglaban.
23
Umabot sa 59,300 ang bilang ng mga lalaki sa tribo ni Simeon.
24
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Gad, binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na may kakayanang makipaglaban, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
25
45, 650 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Gad.
26
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Juda ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng mga lalaking may dalawampung taong gulang pataas na kayang makipaglaban, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
27
74, 600 na kalalakihan ang naitala mula sa tribu ni Juda.
28
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Isacar ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
29
54, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Isacar.
30
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Zebulon ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na may kakayanang makipaglaban, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
31
57,400 na kalalakihan ang naitala mula sa tribu ni Zebulon.
32
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Efraim na anak na lalaki ni Jose ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng mga lalaking may dalawampung taong gulang pataas na may kakayanang makipaglaban, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
33
40,500 na kalalakihan ang naitala nila mula sa tribu ni Efraim.
34
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Manases ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na may kakayanang makipaglaban, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
35
32,200 na kalalakihan ang naitala mula sa tribu ni Manases.
36
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na may kakayanang makipaglaban, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
37
35,400 na kalalakihan ang naitala mula sa tribu ni Benjamin.
38
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Dan ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na may kakayanang makipaglaban, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
39
62,700 ang naitala mula sa tribu ni Dan.
40
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Aser ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
41
41,500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Aser.
42
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Neftali ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na may kakayanang makipaglaban, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
43
53, 400 ang naitala mula sa tribu ni Neftali.
44
Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaking ito mula sa labindalawang angkan ng Israel ayon sa kanilang mga angkan.
45
Kaya ibinilang nila ang lahat ng mga lalaki sa Israel na may dalawampung taon pataas. Lahat sila ay may kakayananang makipaglaban sa digmaan at binilang sila ayon sa kanilang mga angkan.
46
Sila ay umabot sa 603,550 kalalakihan.
47
Ngunit hindi na nila binilang ang mga kalalakihang nagmula kay Levi,
48
dahil sinabi ni Yahweh kay Moises,
49
"Hindi mo dapat bilangin ang tribo ni Levi o isama sila sa kabuuang bilang ng mga tao sa Israel.
50
Sa halip, italaga mo ang mga Levita para pamunuan ang tabernakulo ng toldang tipanan, at ingatan ang lahat ng mga kasangkapan sa loob ng tabernakulo at sa lahat ng uri ng gamit doon. Dapat dalhin ng mga Levita ang tabernakulo at pati ang kagamitan nito. Dapat nilang ingatan ang tabernakulo at itayo ang kanilang kampo sa paligid nito.
51
Kapag ililipat nila ang tabernakulo sa ibang lugar, dapat itong ibaba ng mga Levita. Ang mga Levita rin ang magbubuo ng tabernakulo. At ang sinumang dayuhang lalapit sa tabernakulo ay dapat patayin.
52
Kapag itatayo ng bayan ng Israel ang kanilang mga tolda, dapat nila ito buuin malapit sa bandilang kumakatawan sa kanilang armadong pangkat.
53
Gayunpaman, dapat buuin ng mga Levita ang kanilang mga tolda sa paligid ng tabernakulo ng toldang tipanan upang hindi bumaba ang aking galit sa bayan ng Israel. Dapat ingatan ng mga Levita ang tabernakulo ng toldang tipanan."
54
Ginawa ng bayan ng Israel ang lahat ng mga bagay na ito. Ginawa nila ang lahat na inutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.