Chapter 15

1 Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang hardinero. 2 Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga ng ubas, at pinuputol niya ang mga sangang hindi namumunga para mamunga pa ito ng marami. 3 Malinis na kayo dahil sa salitang ipinahayag ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at ako ay sa inyo. Tulad ng isang sanga, hindi nito kayang mamunga ng kaniyang sarili maliban na ito ay nakarugtong sa puno ng ubas. Gayundin sa inyo, maliban kung mananatili kayo sa akin. 5 Ako ang tunay na puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang sinumang manatili sa akin at ako sa kaniya, mamumunga siya ng maraming bunga dahil kung nakahiwalay kayo sa akin, wala kayong magagawa. 6 Ang sinumang hindi mananatili sa akin, itatapon ito tulad ng sangang natuyo at iniipon ang mga sanga at itinatapon sa apoy para sunugin. 7 Kung mananatili kayo sa akin at mananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin niyo sa akin ang anumang inyong magustuhan at ito'y ibibigay sa inyo. 8 Naluluwalhati ang aking Ama dito na kung mamumunga kayo ng maraming bunga, pinapatunayan nito na kayo nga ang mga alagad ko. 9 Kung paano akong minamahal ng aking Ama, ganun din ko kayo minamahal. Kaya manatili kayo sa aking pagmamahal. 10 Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pagmamahal tulad ng pagsunod ko sa mga utos ng aking Ama at nananatili ako sa kaniyang pagmamahal. 11 Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para ang kagalakan ko ay mapasainyo at malulubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking utos na mahalin ninyo ang isa't isa tulad ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Wala nang pag-ibig ang hihigit pa rito na may isang taong iaaalay ang kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan. 14 Mga kaibigan ko kayo kung gagawin ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na kayo tinatawag bilang mga lingkod dahil hindi alam ng isang lingkod ang ginagawa ng kaniyang panginoon. Tinatawag ko kayo bilang mga kaibigan dahil alam ninyo ang lahat ng sinabi ko na narinig ko mula sa aking Ama. 16 Hindi niyo ako pinili kundi ako ang pumili sa inyo at itinalaga ko kayo para kayo ay humayo at magkaroon ng bunga at para manatili ang inyong bunga. Nangyari ito para ang lahat ng hihilingin ninyo sa aking Ama ay ibibigay ko sa inyo. 17 Iniuutos ko sa inyo ang mga bagay na ito para mahalin ninyo ang isa't isa. 18 Kung kinamumuhian kayo ng mundo, alalahanin ninyong una akong kinamuhian nito sa inyo. 19 Kung kayo ay mula sa mundong ito, mamahalin din kayo ng mundo gaya ng pag-aari niya. Dahil hindi kayo kabahagi ng mundo at dahil pinili ko kayo mula sa mundo, kaya kinamumuhian din kayo ng mundo. 20 Alalahanin ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo, 'Hindi mahihigitan ng isang lingkod ang kaniyang panginoon.' Kung inusig nila ako, uusigin din nila kayo. Kung pinanghawakan nila ang aking salita, panghahawakan din nila kayo. 21 Gagawin nila ang lahat ng pag-uusign na ito sa inyo para sa aking pangalan at dahil hindi nila kilala ang nagsugo sa akin. 22 Kung hindi ako naparito at nagsalita sa kanila, hindi sana nila malalaman na sila ay nagkasala. Pero ngayon, wala na silang puwedeng idahilan para sa kanilang kasalanan. 23 Ang sinumang namumuhi sa akin ay namumuhi rin sa aking Ama. 24 Kung hindi ko ginawa ang mga bagay na ginawa ko sa harap nila, hindi sana sila nagkasala. Pero nakita nila ang mga ito at kinamumuhian ako at ang aking Ama. 25 Pero nangyari ito para matupad ang nasusulat sa kanilang kautusan, 'Kinamuhian nila ako nang walang dahilan.' 26 Pagdating ng Tagapayo, na ipapadala ko sa inyo mula sa Ama, siya ang Espiritu ng katotohanan, na ipinadala mula sa Ama—siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. 27 Kailangan niyo ring magpatotoo dahil kasakasama ko na kayo mula pa sa simula.