Chapter 2

1 Sa ikadalawampu't isang araw ng ikapitong buwan, nangusap si Yahweh kay Propeta Hagai, 2 "Kausapin mo ang gobernador ng Juda na si Zerubabel na anak ni Sealtiel at ang punong pari na si Josue na anak ni Josadac, pati na ang sa mga natitirang bayan. Sabihin mo, 3 'Sino sa inyo ang nabuhay na nakakita sa dating kaluwalhatian ng tahanang ito? At paano ninyo ito nakikita ngayon? Parang wala lang ba ito sa inyong paningin? 4 Kaya magpakatatag ka, Zerubabel!' Ito ang kapahayagan ni Yahweh. Magpakatatag ka rin, punong paring Josue anak ni Josadac. Magpakatatag din kayong lahat na nakatira sa lupaing ito. Ito ang kapahayagan ni Yahweh at kanyang gawa dahil kasama ninyo ako. Ito ang kapahayagan ni Yahweh ng mga hukbo. 5 'Ito ang kasunduang itinatag ko sa inyo nang kayo ay lumabas sa Egipto. Huwag kayong matakot dahil kasama ninyo ang aking Espiritu. 6 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Sa sandaling panahon, muli kong yayanigin ang kalangitan at ang lupa, ang karagatan at ang tuyong lupain. 7 Aking yayanigin ang bawat bansa, at ang bawat bansa ay magdadala ng mga mahahalagang bagay sa akin, at aking pupunuin ng kaluwalhatian ang tahanang ito,' sabi ni Yahweh ng mga hukbo. 8 Sa akin ang pilak at ginto!'---ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. 9 Magiging mas dakila ang kaluwalhatian ng tahanang ito sa hinaharap kaysa sa simula, sabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'at bibigyan ko ng kapayapaan sa lugar na ito!' Ito ang kapahayagan ni Yahweh ng mga hukbo." 10 Sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, sa ikalawang taon ni Dario, nangusap si Yahweh kay Propeta Hagai, 11 "Ganito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Tanungin mo ang mga pari tungkol sa kautusan, at sabihin mo: 12 Kung ang tao ay magdadala ng karne na nakatalaga kay Yahweh sa laylayan ng kaniyang damit, at kung masagi ng laylayan ng kaniyang damit ang tinapay o sabaw, alak o langis, o anumang pagkain, magiging banal din ba ang laylayang iyon?" Sumagot ang mga pari at sinabi, "Hindi." 13 Pagkatapos, sinabi ni Hagai, "Kung sinuman na marumi dahil nasagi ng patay ang anumang bagay, magiging marumi ba ito? Ang sagot ng mga pari, "Oo, sila ay magiging marumi." 14 Kaya sumagot si Hagai at sinabi, "'Gayon din ang mga taong ito at ang bansa na nasa aking harapan! Ito ang kapahayagan ni Yahweh---'At gayundin ang kanilang ginawa. Anumang inalay nila ay marumi sa akin. 15 Kaya ngayon, isipin ninyo mula noon hanggang ngayon, bago maipatong ang anumang bato sa isa pang bato sa templo ni Yahweh, 16 paano ang gagawin kung pumunta kayo at kumuha ng dalawampung sukat ng butil, ngunit mayroong sampu lang. At kung pumunta kayo sa ipunan ng alak upang kumuha ng limampung sukat ng alak, mayroon lang dalawampu. 17 Pinahirapan ko kayo at lahat ng mga gawa ng inyong mga kamay ng pagkalanta at amag, ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.' Ito ang kapahayagan ni Yahweh. 18 Pag-isipan mo mula ngayon hanggang sa mga susunod na araw, mula sa ikadalawampu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula sa araw na ang pundasyon ng templo ni Yahweh ay maitatag. Pag-isipan mo. 19 Mayroon pa bang natitirang binhi sa kamalig? Ang baging, ang puno ng ubas, ang puno ng igos, ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi namunga! Ngunit mula sa araw na ito ay pagpapalain kita.'" 20 Ang salita ni Yahweh ay dumating kay Hagai sa pangalawang pagkakataon sa ikadalawampu't apat na araw ng buwan at sinabi 21 "Magsalita ka sa gobernador ng Juda, kay Zerubabel at sabihin, 'Yayanigin ko ang kalangitan at ang kalupaan. 22 Sapagkat aking pababagsakin ang trono ng mga kaharian ng mga kaharian ng lahat sa mga bansa. Aking yayanigin ang mga karwahe at ang kanilang mangangarwahe, ang mga kabayo at mga mangangabayo ay magsisibagsak, bawat isa dahil sa espada ng kaniyang kapatid. 23 Sa araw na iyon.' Ito ang kapahayagan ni Yahweh ng mga hukbo. 'Kukunin kita Zerubabel anak ni Sealtiel bilang aking lingkod.' Ito ang kapahayagan ni Yahweh. Gagawin kitang katulad ng singsing na panatak, dahil pinili kita.' Ito ang kapahayagan ni Yahweh ng mga hukbo!"