Kabanata 2

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, nang humupa ang galit ni Haring Assuero, naisip niya si Vashti at kung ano ang ginawa niya. Naalala din niya ang tungkol sa kautusang ginawa niya laban kay Vashti. 2 Pagkatapos ay sinabi ng mga lalaking nakababatang tauhan ng Hari na naglilingkod sa kanya, "Magsagawa na ng paghahanap ng magagandang dalagang birhen, sa ngalan ng hari. 3 At humirang ang hari ng mga opisyal sa lahat ng mga lalawigan ng kanyang kaharian, upang pagsama-samahin ang lahat ng magagandang mga birhen sa harem sa palasyo ng Susa. At sila'y mapapunta sa pangangalaga ni Hegai, ang opisyal ng hari, na siyang namamahala sa mga babae, at bigyan sila nang kanilang mga pampaganda. 4 At ang sinumang dalaga na maibigan nang hari ay ang ipapalit kay Vashti bilang isang reyna." Ang panukalang ito ay ikinatuwa ng hari , at ipinatupad nga niya ito. 5 Mayroong isang Judio na nakatira sa siyudad ng Susa na nagngangalang Mordecai, anak na lalaki ni Jair na apo ni Simei na anak na lalaki ni Kis sa lipi ni Benjamin. 6 Nabihag siya mula Jerusalem kasama ng mga tinapon pati na mga dinakip na kasama ni Jehoiakin, hari ng Juda, ni Nebuchadezzar na hari ng Babilonia. 7 Siya ang nag-aalaga kay Hadasa, o si Esther, ang anak na babae ng kanyang tiyo, sapagkat siya ay ulila na. Ang dalagang ito ay may magandang katawan at kaibig-ibig na anyo. Nang mamatay ang magulang ng dalaga, Inaruga siya ni Mordecai na parang sariling anak. 8 Nang ang utos nang hari ay nailathala, maraming dalaga ang dinala sa palasyo ng Susa. Sila ay ibinigay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai. Dinala rin si Esther sa kaharian at ibinigay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai, ang siyang tagapangasiwa sa mga dalaga. 9 Ang dalaga ay nag-bigay lugod sa kanya, at nakuha niya ang pabor nito. Agad niya itong binigyan ng mga pampaganda at bahagi ng pagkain niya. Itinalaga rin para sa kaniya ang pitong aliping babae mula sa palasyo ng hari, siya at mga aliping babae ay inilipat sa pinakamagandang lugar para sa mga kababaihan. 10 Walang sinumang sinabihan si Esther kung sino ang kanyang lahi o mga kamag-anak, sapagkat sinabihan siya ni Mordecai na huwag sabihin ito. 11 Araw-araw naglalakad si Mordecai papunta at pabalik sa gitna ng daanan sa palasyo nasa labas siya sa lugar ng mga kababaihan, upang malaman ang tungkol sa kalagayan ni Esther, at kung ano ang ginagawa sa kanya. 12 Nang dumating na ang panahon upang ang bawat dalaga upang pumunta kay Haring Assuero—pagkatapos niyang sumailalim sa mga panuntunan ng mga kababaihan, at tapusin ang labindalawang buwan ng pagpapaganda, anim na buwan na may langis ng mira, at anim na buwan na may pabango at pampaganda — 13 Kapag ang dalaga ay pumunta sa hari, anuman ang magustuhan ng dalaga ay ibinibigay sa kanya mula sa harem o (bahay ng mga kababaihan), para madala niya sa palasyo. 14 Sa gabi papasok siya, at sa umaga siya ay babalik sa ikalawang tahanan ng mga babae, at sa pangangalaga ni Saasgaz, ang opisyal ng hari, na siyang namamahala sa iba pang mga asawa ng hari. Hindi na siya muling makakabalik sa hari maliban na lamang kung labis siyang nagustuhang nang hari at ipatawag siya muli. 15 Nang dumating ang panahon para kay Esther (anak na babae ni Abihail, ang tiyo ni Mordecai, na siyang kumuha sa kanya bilang sariling anak) na pumunta sa hari, hindi siya humingi ng anumang bagay maliban sa kung anong iminungkahi ni Hegai na namamahala sa mga babae. At lahat ng makakita kay Esther ay naibigan siya 16 Dinala si Esther kay Haring Asssuero sa maharlikang tirahan sa ika-sampung buwan, ang buwan ng Tebeth, sa ikapitong taon ng kanyang pamumuno. 17 Minahal si Esther ng hari ng higit pa sa lahat ng mga babae, nakuha nito ang pabor at kabaitan ng hari, higit sa lahat ng ibang mga birhen. Kaya iginawad kay Esther ang korona at ipinatong ito sa ulo niya at ginawa siyang reyna kapalit ni Vasthi. 18 Ang hari ay nagdaos ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, "Handaan ni Esther," at nagbigay siya ng pagpapaliban ng pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo at ipinakita ang kabaitan bilang hari. 19 Nang tipunin ang mga birhen sa ikalawang pagkakataon, si Mordecai ay naka-upo sa tarangkahan ng Hari. 20 Si Esther ay itinago muna ang tungkol sa kanyang mga kamag-anak o kanyang lahi, gaya ng itinagubilin ni Mordecai sa kanya. Patuloy niyang sinunod ang payo ni Mordecai gaya ng kung paano siya pinalaki nito. 21 Sa panahong iyon, habang si Mordecai ay nakaupo sa tarangkahan ng hari, dalawa sa mga opisyal ng hari na sina Bigtan at Teres, ang nagbabantay sa pintuang bayan, ay nagalit at nagplano ng masama kay Haring Assuero. 22 Nang mapag-alaman ni Mordecai ang bagay na ito, sinabihan niya si Reyna Esther, at kinausap ni Esther ang hari sa ngalan ni Mordecai. 23 Ang ulat ay siniyasat at napatunayan nga, kaya pinarusahan ang dalawang lalaki at ibinigti. Isinulat ang pangyayaring ito sa harap ng hari, sa aklat talaan ng mga hari.